Ilang sandali pa ay papasok na ang sinasakyan namin sa isang mahabang driveway. Hindi na ako nagulat pa nang tumambad sa paningin ko ang isang magarbong bahay. Ano pa nga ba ang inaasahan ko sa isang Mercer? Hindi sila magiging mahigpit na kakumpetensya ng Carson Empire Hotel kung hindi nila kayang tapatan ang yaman at impluwensya ng pamilya ko. Matapos iparada ang minamanehong sasakyan sa tabi ng ilang mga koleksiyn ng iba't ibang uri ng luxury cars ay naunang bumaba si Vaughn upang pagbuksan ako ng pinto. "How about your flowers? Dadalhin ba natin sa loob?" tanong niya sa'kin pagkababa ko. "Diyan na lang iyan para hindi ko makalimutan 'pag hinatid mo ako mamaya." Ayoko ring malamog ito sa kakabitbit ko. Hindi na siya nagsalita pa y giniya na ako patungo sa main door ng bahay. Pag

