"At ano ang kinalaman niyang Vaughn Gabriel Mercer na iyan sa maganda mong adhikain para sa well-being ko?" sarkastiko kong tanong kay Khaila. Kahit na may ideya na ako ay gusto ko pa ring marinig. Iba rin talaga mag-isip ang pinsan kong ito! "He's a divorcee for almost twenty years," hindi kumukurap niyang sagot. "Walang naging girlfriend since then, merong mga babaeng nali-link pero hindi seryoso. He's the best candidate para maging first time mo. Walang sabit, at tiyak na eksperto!" Wala pa ring kupas ang galing niya sa pangungumbinsi. Nagmistula akong kliyente na ini-offer-an niya ng produktong hindi ko mahihindian. Pero nagkamali nga lang siya sa part na magiging first time ko si Vaughn Gabriel kung sakali. Wala siyang kamalay-malay na iyong anak ang naging una ko. "He's too old

