Buong durasyon ng party ay binabagabag ako ng suot kong kuwintas. Hindi dahil sa nakakalulang presyo kundi ay dahil sa nagbigay nito. Hindi pa ako nagkaroon ng chance na manumbat dahil ang daming matang nakatingin sa'kin pagkabalik ko ng party. Nawala lang ako saglit, na-miss agad ako ng mga kamag-anak kong masyadong concern sa pagiging single ko at thirty. Kaya natapos ang buong gabi na hindi ko na ulit nakausap ang kahit na sino sa mag-amang Mercer. Okay na rin iyon para iwas sa tukso. May post event gathering kami ng ilang mga pinsan ko at mga kaibigan kinabukasan. Nakasanayan na naming gawin ito tuwing birthday ko. May advance party at may after-event get-together din talaga dahil ganito nila ako kamahal. Pinagpaliban ko muna ang pagbubukas ng mga regalo dahil inuna ko ang paghah

