Ramdam ko pa rin ang masarap na pangangalay ng balakang at mga hita ko nang bumiyahe kaming tatlo patungo sa bahay ng mga magulang ko. Pupunta sila roon para sa imbitasyong hapunan ni Zandro. Habang umaandar ang sasakyang minamaneho ng driver-bodyguard ni Vaughn ay nasa backseat naman kaming tatlo. Nakasandal ako sa balikat ni Dax habang hawak-hawak ni Vaughn ang isa kong kamay. Pinagod nila ako kanina kaya kailangan ko munang magpahinga lalo na at sigurado akong kailangan ko nang lakas upang harapin ang buong pamilya ko kasama ang batam-bata kong boyfriend. "Tiyak magtatanong si Zandro mamaya kung bakit bigla akong umalis kanina," pahinamad kong pagbubukas namg usapin habang komportable sa posisyon ko sa gitna nilang dalawa ni Dax at Vaughn. "We will tell him that I showed you the l

