chapter 72

2064 Words

Nagtagisan kami ng tingin ni Prince Daemon. Unang kumurap ang talo! Matapang man akong tingnan sa labas at parang sasabog iyong puso ko sa sobrang kaba. Binabagabag ako ng mga pagbabanta niya kahit anong gawin kong pagbalewala sa mga ito. May hangganan din naman kasi ang pagmamatapang ko. Sa totoo niyan ay wala akong kalaban-laban kung gustuhin man akong saktan ngayon ni Prince Daemon. Sa sulok ng mga mata ko ay nakikita ko ang mga dala nilang bodyguard ni Thara na natitiyak kong naghihintay lang ng utos mula sa sa kanya at hindi magdadalawang-isip na sumunod. Sa unang pagkakataon ay nawala iyong seguridad na bigay sa'kin ng Carson Empire Hotel. Gusto kong kwestiyunin kung talaga bang safe ako sa loob ng vicinity nito lalo na kaharap ko iyong taong maaaring may kinalaman sa planong pagp

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD