Hindi ko man lang napaghandaan na iyong round 1 ay mabilis palang masusundan kinatanghalian. Sa pagkakataong ito ay wala na si Zandro o Tito Felan. Maging si Dax at Vaughn ay hindi ko na kasama nang muling mag-krus ang landas namin ni Prince Daemon. Ewan ko ba pero malakas ang kutob ko na sinadya talaga nila akong lapitan habang wala akong ibang mga kasama. Nag-iisa lang kasi ako ngayon pero nasa loob pa rin naman ako ng Carson Empire Hotel kaya kampante akong walang ibang masamang mangyari sa biglang pagsulpot ng mga taong nagpapakulo sa dugo ko. Kasalukuyan akong nagmumuni-muni sa public pool area kung saan ay welcome ang lahat ng mga bisita ng hotel. Iyong mga super VIP at VIP namin ay may sari-sariling private pool. Mas gusto ko rito maglagi dahil marami akong nakikitang ibang ta

