Maganda lang ako at hindi immortal kaya nagyaya akong kumain sa mga bisita ko. Ang aga nilang mangapit-bahay, pare-pareho naman pala kaming hindi pa kumakain. Naligo muna ako at nag-ayos bago pumunta sa restaurant ng hotel kung saan nauna na sila. Pinili naming dito lang sa mismong hotel kumain para na rin sa kaligtasan ko. Nang makalapit ako sa inuukopang mesa ng mga kasama ko ay wala na iyong seryosong atmosphere na bumalot kanina sa silid ko. Hindi ko nakikita si Hansel at Tita Tiara. Tanging si Tito Felan, Zandro, Dax, at Vaughn lang ang naabutan kong nag-uusap. "Si Tita Tiara?" tanong ko matapos akong ipaghila ng upuan ni Dax sa gitna nila ni Vaughn. "Pinuntahan sina Tito Igop," sagot ni Zandro. May naghihintay na sa aking pagkain kaya hindi ko na kailangan pang um-order. "Than

