"Huwag ka munang magdiwang," bigla ay pahayag ni Tita Tiara. Hindi ko mapigilan ang pag-ikot ng eyeballs ko bago sabay kami ni Vaughn na bumaling sa kanya. Aapila yata ang tiyahin ko. Akala ko ba ay suportado niya ako? "Isang tito pa lang iyan tapos Carson pa," pagpapatuloy ni Tita Tiara habang direktang nakatingin kay Vaughn. "Hintayin ni'yo muna kapag dumating na iyong mga Ramirez." "Hindi naman po siguro kayo isa sa mga tututol, 'di ba?" tanong ni Dax. Umasim ang mukha ni Tita Tiara na bumaling dito. "Tanggap kitang pino-po mo ako pero ibang usapan na kapag ang tatay mo," kausap ni Tita Tiara kay Dax bago sumulyap kay Vaughn. "Mas matanda ka pa kaysa sa'kin," matalim niyang paalala sa huli. Isang tipid na ngiti ang binigay ni Vaughn sa kanya. "Alam ko iyon," sagot nito. "Sana

