Matapos malapatan ng gamot ang sugat ko at mabigyan ako ng ointment upang maiwasan itong mag-iwan nang malalang peklat ay umuwi na kami ni Daddy sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay agad akong sinabulong ni Mommy. "Pinag-alala mo ako, Alex." Nanenermon man ang tono ay puno naman nang pag-alala ang tingin nito. Agad akong niyakap ni Mommy. "Okay lang po ako," mahinahon kong paninigurado rito upang hindi na ito mag-alala. Nang pakawalan ako ni Mommy ay tumuon naman ang tingin nito sa naka-plaster kong sugat. "An pisngi mo..." Marahang hinaplos ni Mommy ang plaster ko roon. Kung tutuusin ay maliit na bagay lang naman ito. Malala pa nga iyong nakukuha kong galos no'ng nakipag-unahan ako sa mga pinsan ko sa Cebu sa pag-akyat sa puno. "Mas malala iyong sinapit no'ng k

