Papalapit pa lang sa police station ang minamanehong sasakyan ni Dax ay agad na kumuha sa atensiyon ang kotse ni Daddy Zach sa parking area ng station. Lihim akong napamura nang matanaw ko rin ang sasakyan na karaniwang ginagamit ng mga bodyguard nito. "Bakit nandito si Daddy?" wala sa sarili kong tanong. Imposible namang nakatawag agad iyong manager ng restaurant. Tulala pa nga iyon no'ng iniwan ko. "Paano nakarating dito si Daddy?" muli kong bulalas. "Syempre sumakay ng kotse," nagmamarunong na sagot ni Yudz. "Wow, ang talino," sarkastiko kong puri sa kanya. "Of course," proud pa niyang sagot at hindi man lang ramdam iyong sarcasm sa boses ko. Wala talaga akong mapapala rito kay Yudz kundi ay kabag dahil sa kahanginan nito. Nang tuluyang hininto ni Dax ang sinasakyan namin ay

