"Daxton, kilala mo ba ang mga ito?" tanong ng bakla at inismirap pa talaga kami ni Vivien. Kapag si Dax ang kausap ay palambing pero 'pag ako ay ang taray! Balimbing talaga, minsan prutas pero ngayon ay baklang maraming butas sa mukha! "Yes," seryosong sagot ni Dax dito. "And for your own good, refrain from uttering insults against them." Nagkatinginan ang bakla at ang kasama nitong babaeng matalas ang dila. Iyong tinatawag namang Tita Letty ni Kate ay nanatiling tahimik habang kunot-noong nakatingin sa'kin na para bang may pilit itong inaalala. "Daxton, kinakampihan mo ba sila?" gilalas na tanong ni Kate. Hindi maipinta ang ekspresyon nito habang nakatingin kay Dax. "Ininsulto ako ng babaeng iyan kaya kahit na kakilala mo pa iyan ay dapat siyang humingi nang tawad!" Tumalim ang tingin

