chapter 24

2056 Words

"Paalis na rin naman kami ni Vivien, bakit hindi na lang ikaw ang sumama sa mesa nila," hindi ko napigilang sabi kay Yudz. Hindi ko na hinintay ang nagiging desisyon ni Dax o ng kasama nito tungkol sa paanyaya ng taong-pugita naming kasama ni Vivien. Kung gusto nilang kumaing magkasama ay huwag na nila akong idamay pa! "Aalis na tayo?" medyo gulat na tanong ni Vivien. "Ay, oo nga pala... nagmamadali pala tayo," mabilis niyang bawi nang mapansin ang tinging pinukol ko sa kanya. "Aalis na kami..." napipilitan niyang kausap sa iba. "Bakit ka agad aalis, Lex?" tanong naman ni Yudz. "Kakarating ko lang. Ngayon lang tayo nagkita, iiwanan mo na agad ako," nagtampo-tampuhan pa nitong dagdag. Hindi bagay sa kanyang mukha ang nagtatampo, medyo nakakasuka nang slight! Manhid talaga ang pugitan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD