"Bilisan mo na riyan dahil hindi ako pwedeng magtagal," baling ko sa kasama kong si Vivien matapos okrayin sa isipan ang babaeng kasama ni Dax. Kung artista man ito ay hindi ko kilala, hindi siguro sikat. "Huwag mong sabihing may babalikan kang trabaho," sarkastikong sagot sa'kin ni Vivien. "Hindi ako pwedeng papitiks-pitiks lang dahil nakabantay sa kilos ko si Zandro," paingos kong tugon. "Eh, 'di tawagan natin si Phil para may distraction ang kakambal mo," pilya niyang suhestiyon. Ang tinutukoy niya ang pinsan niyang si Phil na asawa rin ng kakambal ko. "Tapos sa bandang huli ay ako ang uutusan ni Zandro na tapusin ang trabaho niya?" nayayamot kong tanong. "Huwag na lang," pairap kong dugtong. Nagkataon namang napadako ang tingin ko sa direksiyon ni Dax at nakita kong nakatingin i

