May ilang detalye pa tungkol sa collaboration ang napag-usapan nina Zandro at Vaughn habang tahimik lang akong nakikinig at sumasagot kapag kakailanganin ang opinyon ko. Nang sa wakas ay natapos na ang usapan ay nagpaalam nang umalis si Vaughn. Nagpresenta na rin akong ihatid ito palabas. Wala namang napansing mali si Zandro doon dahil alam kong iyon din ang iuutos nito sa'kin kung hindi ko inunahan. Pagkalabas namin sa opisina ni Zandro ay agad kong sinenyasan si Vaughn na sumunod sa'kin. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid upang siguraduhing walang ibang nakatingin bago ko hinila si Vaughn sa pinakamalapit na utility room. Nang masigurong walang tao sa loob ay agad kong ni-lock ang pinto. Pagkapihit ko paharap kay Vaughn ay walang babala niyang kinabig ang batok ko sabay sakop ng

