Ilang sandali pa ay isa-isa nang nagpaalam ang mga dumalo sa meeting. Napilitan akong tumayo upang makipagkamay sa mga ito. Nang si royal mother na nag kaharap ko ay isang matamis na ngiti ang pinaskil ko sa mga labi. "Thanks for coming, Madam Clavetti," kunwari ay magiliw kong pasasalamat dito. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagdaan nang galit sa mga mata niya na mabilis din agad nawala at pinalitan nang masayang kislap. Grabe, ang galing magkunwari ng babaeng ito! "The pleasure is all mine, Miss Carson," magaan ang tono niyang tugon. Kabaliktaran nang lagi niyang ginagamit no'ng mga nagdaang pag-uusap namin. "I eagerly anticipate seeing you at the event." nakangiti pa nitong pagpapatuloy. "Likewise, Madam Clavetti," makahulugan kong sagot. Nang magdaop ang palad namin ay naramda

