Prologue
Ilang oras na nakalipas pero hanggang ngayon ay nandito parin ako kung saan niya ako iniwan. Umaasa parin na babalikan ako pero naisip kong hinding-hindi niya yun gagawin.
Hangga't naiisip ko yun lalo akong napapaiyak sa sobrang sakit. Ilang taon naba akong nagpapaka-tanga sa kaniya? Almost 1year? Or more?
Sa sobrang tagal ay hindi kona matandaan pa.
Napaikyak ako lalo nang biglang bumuhos ang malakas na ulan tila ay sinasabayan ako sa aking pag iyak sa lungkot na nararamdaman ko.
Grabe, pati ba naman ulan ay dinadamayan ako sa matinding kalungkutan ko. Lalo tuloy akong nasasaktan. Pakiramdam ko sa aking sarili ay ako na ang pinaka malas na tao sa mundo.
Ang tanga tanga mo talaga, Cheena. Bakit sa napakaraming mga lalaki sa mundo ay siya pa ang minahal mo na hindi ka naman kayang mahalin? Sabi ko sa aking sarili.
Huminga ako ng malalim upang pigilan ang pagsikip ng aking dibdib.
Hindi kona mapigilan ang mga luha sa aking mga mata na patuloy lamang itong bumabagsak.
May tumigil na kotse sa aking harapan at sabay din sa pagtigil ng luha sa aking mga mata.
Napatingin ako sa taong bumaba at agad akong tumayo sa aking pwesto nang makita ko kung sino siya ang lalaking pinaka mahal kong si Arthur Villaflor.
Binalikan niya ako, ito ang kauna unahang beses hindi ako makapaniwala.
Ang laki ng ngiti ko sa aking mukha sa pagsenyas na lapitan ko siya.Hindi ako nagdalawang isip at dali dali namang pumunta sa kanyang kinaroroonan.
Basang basa ang mga damit ko at lahat sa katawan ko hindi ako nag alinlangan na yakapin ko siya kahit siya pa ay mabasa narin ay ang mahalaga ay sobra saya ng aking nadarama ngayon.
Kauna-unahang pagkakataon ay binalikan ako. Sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon. Ano ang ibig sabihin nito ay mahal ba din niya ako?
"Ngumiti ako," Lalo na ng niyakap niya din ako.Tinanggal ko ang pagkayakap ko sa kanya.Tinignan ko siya sa kanyang mga mata at siya naman ay titig na titig sakin.
"Mahal kita," nakakunot ang noo nito nung sinabi ko yun sakanya.
Hindi, wag mo akong gustuhin dahil hindi kita gusto wag mong bigyan ng kahulugan ang pagbalik ko dito sayo at ang pagbalik ko dito sayo ay namimis kita sa kama yun lang ang dahilan.
Nawala ang ngiti ko sa mukha at tuloy-tuloy ang aking pagluha nung sinabi niya yun sa akin at sobrang sakit ng nadarama ko. Ganun nalang ba yoon?
Pinasaya ng konti at sakit naman ng kasunod.
Oo nga, Isa lang akong laruan na kung kailan niya pweding itapon itatapon nalang kung gugustuhin niya. Bakit ba nawala sa isipan ko yun?