Kabanata 05: Unveil
Simula pagkabata pa lang ay pinaglalaruan at inaalipin na siya ng sariling pamilya. Her childhood experience isn't good to remember. Wala siyang kaibigan dahil lang sa ugali niyang tahimik at hindi marunong makihalubilo. Kahit noon ay hindi rin siya marunong mag-ayos ng sarili at walang umaasikaso sa kanya kaya naman lagi siyang tampulan ng tukso.
Kahit pa anong gawin niyang pag-excell sa studies at pagsunod sa lahat ng gusto nila para hindi magalit ay wala pa ring humpay ng pang-aabuso ang ginagawa sa kanya. Other people won't also care about a child like her dahil sa impluwensiya ng mga Romina kaya kahit anong gawin sa kanya ng ibang mga bata ay walang pakialam ang mga guro basta ba'y binabayaran lang.
Kaya naman habang mas tumatagal ay mas lalo lamang naging malala ang personalidad ni Reina kaya ang dali-dali lang para sa kanila na utuin siya sa lahat ng bagay. She was too naive and gullible to be their plaything until that night.
Ang gabi kung saan nangyari ang kahayupang ginawa nila mismo sa harapan niya.
She was their family right? She was their daughter, a sister and a lover. But why? Why did they make her like this? May ginawa ba siyang mali? Mali bang pinanganak siyang ganito? Mali bang hindi niya naabot ang expectations nila kahit anong pagtrabaho at pagpurisigi pa ang gawin niya?
Because if that's the case, then she doesn't want this life anymore!
Pero bago mangyari iyon, sisiguraduhin niya munang magbabayad sila sa ginawa nila.
Kahit ngayong gabi lang.
Kahit ngayong oras lang maramdaman nila ang nararamdaman niya araw-araw sa harap ng mga taong mapanghusga.
Hindi naman siguro masama na maghangad siya na pagbayarin sa lahat ng ginawa nila, diba? Iyong kahit isang beses lang. Kahit isang saglit lang na makita niya ang pagsisisi sa mukha nila at humingi ng kapatawaran sa kanya.
Kaya naman inipon niya ang natitirang lakas ng loob sa sarili para sana ibulgar ang kataksilang ginawa ng kapatid at kasintahan.
“Isn't that the truth, Silvia? Reim?” Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Hindi ba't totoo naman talagang may relasyon din kayo? You're having an affair with my boyfriend and that's the truth!"
Everyone gasps at her revelation. Agad namang nagsilayuan ang mga kaibigan ni Silvia at namutla naman ang mga mukha ng mga magulang nila pati na rin ang mukha ng parents ni Reim.
“R-Reina, what are you talking about?! I only treat her as my sister!” ani ni Reim pero umismid siya.
“Sister? Kapatid lang ba ang turing kung halos mag hubad na kayong dalawa sa mismong harapan ko?! Ang kapal lang naman ng mukha ninyong maglandian sa mga oras na iyon?! Why?! Akala niyo ba hindi ko nakikita ang mga ginagawa niyo sa likod ko?!” Reina exclaimed in anger. “You two play such disgusting things in front of me that night!”
“I-It's not true!” sigaw ni Silvia nang makita ang disgusto sa mga mukha ng ibang tao. “You're just jealous of me because I have everything! Kaya mo ako sinisiraan!”
“Jealous?! Hindi ba't ikaw yun?” balik niya. Tumawa naman si Silvia.
“Me?! Look at your face! How disgusting! Bakit ako magseselos sa pagmumukhang yan?!”
Wala namang paki-alam si Reina sa insulto nito. At this moment, kalmado lang ang puso niya habang sa wakas ay naiilalabas na rin ang mga hinanaing.
“If you're not jealous then why do you take all the credit that I've done? Since we were in elementary ako gumagawa ng lahat para lang maging honor student ka habang ikaw walang ginawa kundi maglaro. When we were in high school, ako pa rin ang gumagawa ng lahat— even the speech that you said na naging results kung bakit ka naging School Genius Beauty, ako gumawa nun! When you were acknowledged as the girl in dreams, dahil iyon sa mga nagawa ko para sa'yo! Tapos ngayong senior high, ako pa rin! Yung research na pinagmamalaki mo ako lahat gumawa! All the things that you did na pinuri ng lahat ng tao ako lahat! If you're jealous, then why didn't you tell everyone that it was not you who worked for it?!” aniya.
“You're jealous because I'm more capable, right? Kasi kung hindi lang naman diyan sa mukhang pinagmamalaki mo, anong silbi mo, Ate?!” She sneered.
“Y-You!” Halos wala namang masagot si Silvia dahil totoo ang lahat ng sinabi nito. All the things that she had been proud about are not because of her hard work but because there's someone behind it. Pero umaakto siya na parang wala lang at mas ipinagmamayabang pa ang sarili na para bang siya talaga ang gumawa.
But now that everything is revealed, anong maihaharap niya?! Takot na tumingin si Silvia sa mga magulang para humingi ng tulong.
Agad namang lumapit ang mga magulang at niyakap siya ng Ina.
“That's it, Reina! Stop embarrassing our family!” sigaw ng ama nila.
May hinanakit namang tumingin si Reina dito. “Bakit ako ang sinasabihan niyo ng ganiyan kung iyang anak niyo naman ang gumawa ng kahihiyan?! Is her being a mistress not an embarrassment?!”
“Enough!” sigaw naman ng Ina. “Why are you being unreasonable?! Mga school works lang naman iyon pero kung makaasta ka ay kung ano na ang kinuhang credit sa'yo! Stop being stubborn and go back!”
“Ma…” Reina looked at her mother with heartache. “Then what about her having an affair with my boyfriend? Hindi ko ba dapat ipaglaban 'yon?”
Hindi naman ito makasagot kaya doon na siya nagsimulang panghinaan ng loob.
“Hindi ka ba makapagsalita kasi sa simula pa lang alam mo na, hindi ba?” mapait niyang tanong. Mas lalo namang natigilan ang lahat sa sinambit niya.
“Mas kakampihan mo pa siya sa kabila ng ginawa niya? Silvia did something wrong. Ako iyong naagrabiado pero ako pa rin ang sinisisi niyo bakit nagkagulo? Since when will you stay at my side too? Ganun na lang niyo ba kamahal si Silvia na pati ang ginagawa niyang panglalandi ay kinukuntsinti niyo?!”
Gustong gusto ni Reina na mangsumbat sa lahat ng pang-aapi na ginawa nila sa kaniya pero hindi niya magawa. Masyado nang masakit ang nangyayari ngayong gabi at hindi na niya kakayanin pa.
Pero mukhang hindi ayon sa kaniya ang kapalaran dahil sa sumunod na nangyari.
Bigla na lamang nilang narinig ang malakas na pag-ubo ng kung sino man at ang pagsinghapan ng mga tao nang biglang mawalan ng malay ang taong iyon.
Agad silang napatigil sa komusyon at gulat na napatingin sa nangyari.
“Lolo/Papa!”
N-No!
Without a second thought, mabilis silang tumakbo palapit dito at kinarga nila Reim at ng Papa niya ang Lolo nila.
“Quick! Let's go to the hospital! Silvia, prepare the car outside! And Honey, make them leave this hall immediately!” sigaw ng Papa niya. Lumapit naman siya rito at aakmang magtatanong kung ano ang maitutulong pero bigla siya nitong sininghalan.
“The two of you!” tawag nito sa dalawang bodyguard sa gilid. “Seize her up and put her in the basement of the mansion!”
What?! napasinghap siya sa narinig.
“And you!” Tumingin ito ng napakasama sa kaniya. “I'll deal with you later, Reina. This is all your fault!”
Bago pa siya makahuma sa sinasabi nito ay bigla na lamang may tumamang masakit sa likod ng leeg niya dahilan para mawalan siya ng malay.
***
“AH!”
Isang malakas na sampal ang nagpagising kay Reina kalaunan. Napangiwi siya ng husto sa nararamdamang sakit.
Balak niya sanang haplusin ang namamagang pisngi pero sa gulat niya ay hindi niya maigalaw ang mga kamay maski ang mga paa.
She was tied up!
A-Ano bang—
“Reina!” umangat ang tingin niya nang marinig ang pangalan at nanlaki ang mga mata nang makita ang mga magulang pati na rin sina Silvia at Reim sa harapan.
“A-Anong nanyari? Asan ako?” aligagang tanong niya at luminga linga sa paligid. She's in the old basement of their mansion!
Anong ginagawa nila rito at higit sa lahat, bakit nakagapos siya?!
She gasps. Right, her grandfather!
“K-Kamusta po si Lolo?” tanong niya pero mas lalo lang dumilim ang mga ekspresyon ng mukha nito lalo na ng Ama niya at sa gulat niya'y lumapit ito't sinampal siya sa pisngi ng ubod ng lakas.
“A-AHH!” She screams in pain.
“Tinatanong mo kung asan si Papa?!” galit nitong hinawakan ang baba niya gamit ang isang kamay para diretso siyang patignan sa mukha.
“He's dead!”
“A-Ano?!” muli siyang napasinghap at nanlalaki ang mga matang tinignan ito. He's dead? Her grandfather who loved her unconditionally and treasured her genuinely dies?!
N-No! H-Hindi totoo! sigaw niya sa isipan at naramdaman ang sunod sunod na pagpatak ng luha galing sa mga mata.
“You heard me, right?! My Father is dead! And it's because of you! It's all your fault! Pumunta ka sa banquet at nag-eskandalo kaya inatake sa puso si Papa. Kaya namatay si Papa at kasalanan mo yun!” Muli siya nitong sinampal pero parang biglang namanhid ang buong katawan ni Reina dahil sa masamang balita na narinig.
“Because of you! Because of your ugliness, my father died, you hear me?! It's all your fault, Reina! Pinatay mo siya dahil sa kahihiyang ginawa mo! Kasalanan mo ang lahat ng'to!"
Nanigas naman ang katawan niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Hindi siya makapaniwala sa biglaang nangyari.
Talaga bang wala na ang Lolo niya?
Kasalanan na naman niya ba?
****