Kabanata 04: Chaos

1799 Words
Kabanata 04: Chaos "H-Happy Birthday to you, Grandfather." kinakabahang bati ni Reina nang makarating siya sa tapat nito. May ngiti sa mga labi niya pero halatang kinakabahan siya habang nakatayo sa harap ng maraming tao sa oras na ito. Totoo naman talagang ayaw niya sa ganitong mga okasyon. Reika never experienced good things in this kind of situation pero pinilit lamang niyang pumunta rito dahil bukod sa gusto niyang makabawi sa Lolo niya ay gusto niya ring hindi bigyan ng pagkakataon ang dalawang taksil na gumawa ng kahit ano sa gabing ito. She's afraid and anxious. Ramdam niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya at ang pinagpapawisan niyang kamay pero pilit pa rin niyang kinakalma ang sarili. Her grandfather was the only one who truly sees her significance. Palagi siya nitong pinagtatanggol at pinapagaan lagi ang loob niya kaya sobrang malapit ang puso niya para rito. Alam niya ding nagtatampo ito ng husto kahit pa sabihing ayos lang dahil sa takot niya. Kung kaya naman ay inayos niya nang mabuti ang sarili at kumuha ng napakaraming lakas ng loob para pumunta. And the results are here. She can hear the murmuring of insults while they look at her ridiculously. At hindi ito nakatutulong sa kaniya pero mas lalo lang niyang tinatagan ang loob dahil para iyon sa pinakamamahal na lolo. And everything seemed worth it when she saw him smile dearly at her. He's the only one who I left. I can't let him down. Nasa isip niya at pasimpleng pinalibot ang tingin sa lugar kung saan nakita niya sa gilid si Silvia na nakapulupot pa rin kay Reim. Umismid siya sa isipan niya at hindi maiwasang makaramdam na naman ulit ng galit lalo na nang makita ang nangyari kanina sa dressing room. Talagang mga walang hiya ang dalawang taksil dahil sa ginawang paglalampungan. But she won't allow that tonight. Huminga siya ng malalim. Rinig naman niya ang yabag papalapit galing sa likuran kaya agad siyang lumingon at nakita ang dalawang taksil— Silvia and Reim. Kitang kita niya ang pag-aalinlangan nitong lumapit sa kaniya. "S-Sweet," alanganin nitong tawag. Mas lalo naman niyang nilapadan ang ngiti bago inangkala ang mga kamay sa braso nito na parang naglalambing. And it causes him to almost shove her off but he immediately regains his composure and smiles sweetly at her pero dahil magkadikit sila ay ramdam niya ang panginginig ng katawan nito kahit pilit pang tinatago. So as Silvia. There's so much anger and jealousy on her eyes pero umaakto itong para bang walang nararamdaman at mukhang masaya pa para sa kanila. That slightly amuse her. Kaya hindi niya ito mahuli-huli noon dahil sa galing nitong magpaikot. Kung hindi siya nagising nang gabing iyon, malamang sa malamang ay hanggang ngayon tatanga-tanga pa rin siya sa ginagawa ng lahat sa kaniya. "H-Hija," pag-aalinlangang tawag ng Mama niya. "I-Is this her, Reim? This is Reina?" hindi makapaniwalang ani ng Mama ni Reim. That's what she remembered that this is their first time to meet. She can see the total shock on their faces as they look at Silvia and to her. Para bang hindi sila makapaniwalang siya ang kasintahan ng anak. Sino ba namang hindi magugulat sa hitsura niya ngayon? Reina actually dared to wear red fiery dress at para na siyang naging makaking bola dahil sa laki nito. There's also a huge long necklace pero masyado itong mahaba na talagang eksaherada nang tignan. She made her hair into a messy bun pero kinalabasan lang ay para na siyang sinabunutan. Not to mention her makeup that is really thick to look at. And she wears a stripe white and black gloves habang sa ilalim ay sneakers na white ang suot. Hindi naman din yun makikita dahil sa hanggang lupa ang damit na suot kaya imbes na pagtiisan ang mahahabang heels sa kwarto ni Silvia, nagsapatos na lang siya para hindi matapilok. It really made her look ridiculous and fat because of how huge the dress is. Hindi rin niya tuluyang natakpan ang mga pimples sa mukha at dahil hindi siya komportable sa contact lenses at hindi rin siya marunong magsuot ay hanggang ngayon ay ang pabilog niyang eyeglasses pa rin ang suot suot niya. This made her even look crazier. Alam niyang may mali sa itsura niya pero nandito na siya eh. Wala ng atrasan pa. Wala ding tumulong sa kaniya at panay tango lang ang mga maids nang tanungin niya kung maayos ba siya. Masyado siyang nalamon ng kaba at hindi niya napansin ang pagpipigil nitong tumawa habang tinitignan siya. Is it really my fault that I am like this? Do I really look very ugly? naitanong niya sa isipan. Kahit pa sa mga magulang niya ay kitang kita niya kung paano ito bahagyang lumayo sa kaniya. Mga disgusto at galit sa mga mata nila dahil alam niyang ayaw na ayaw nilang nakikita siya ng ibang tao. They are afraid that they will laugh at her hindi dahil nag-aalala sila kundi dahil takot silang madungisan ang reputasyong inaalagaan nila. Pilit nilang tinatago pero wala nang silbe iyon. Ever since that night happened, her eyes became sharp to know someone's emotion. "Y-Yes, Ma. She's Reina," sagot ni Reim pero halatang ayaw sanang sumagot. Mas lalo niyang narinig ang pagsinghap ng mga tao sa paligid at muli na naman silang nagbulong-bulongan. "I thought that the younger child is more pretty since she's younger than Silvia but what the hell? Mas mukha pa siyang matanda keysa sa Mama niya." "Romina's genes are good but why do they have that kind of child? Is she adopted?" "I suddenly felt pity for Latil's genes. I can't imagine what their child will look like if they're together at the end." "Pfft! If I were Reim, I'll break up on her without even a second pass. Paano niya nasisikmura ang pagmumukhang yan?!" Rinig na rinig nila ang mga salita ng lahat at nakita niya kung paano malukot ang mukha hindi lamang ni Reim at nang mga magulang niya kundi pati ng Lolo niya. Dumilim ang mukha nito kaya agad niyang hiniwalayan si Reim para lapitan ito. "Grandfather, it's fine. I can just leave," pag-aalo niya rito. "No. Hija, wala silang karapatan para insultuhin ka ng ganito lalo na sa pamamahay ko!" mariin nitong sabi. "Dad, hayaan mo na. Magkakagulo lang. Remember that some business man around are here. We can't give just be rude to them," pagpigil ng Ama niya at tumingin sa kaniya. "Reina, why don't you go upstairs and wait for us?" anito. Papayag na sana siya pero malakas na hinampas ng Lolo niya ang lamesa at bumadha ang galit sa mukha nito. "Hindi! Hindi ko papayagang walang mangyari sa gabing ito!" saka ito walang babalang tumayo at pumunta sa may intablado at galit na hinablot ang mike bago hinarap ang lahat. "Disrespectful! How dare you say such things to my own granddaughter?! Apologize!" malakas nitong utos sa lahat pero imbes na sumunod ang mga ito at nalukot lang ang mga mukha. "You! How dare you shout and order us?!" sigaw din nang isang businessman sa gilid. "You insulted my granddaughter! Wala kang karapatan para magsalita ng kung ano-ano sa apo ko! Apologize!" "Why would we?" sarkastikong ani ng isang sopistikadang babaeng nasa middle age na. "Tignan mo nga iyang histura ng apo mo. Can she even be called a human? She's so ugly!" "Take back what you said to my daughter!" pagsingit din ng Ama niya na bakas ang galit sa mukha. "Ohh, can't take the truth? Anak mo ba talaga yan, Mr. Romina? Oh baka naman anak yan ng asawa mo sa ibang tao—” "H-How dare you! Are you saying that I'm a slut?!" galit na tumayo ang Ina niya at nagpupuyos sa galit na tinuro nito. Another woman smirks. "Hindi ba? Just look at your daughter's face," minuwestura nito ang mukha niya saka tinignan mula ulo hanggang paa si Mrs. Romina at mas lalong naging sarkastiko. "And aren't you not? You only manage to marry your husband because you seduce him—” "Take it back! Ikaw ang malandi! Slut!" sigaw nang Mama niya. "Apologize to my family. Now!" muling sigaw ng Lolo niya pero wala talagang nakinig. Siya naman ay halos mataranta na sa nangyayari. Hindi niya inakalang aabot sa ganitong gulo ang lahat matapos ang pagdating niya. She ruined her grandfather's image! How will she bring back this to end? "T-Tama na..." nanginginig niyang sabi pero walang nakinig at nagtuloy lang sa pakikipagsagutan. Sigaw nang sigaw ang magulang at Lolo niya sa mga bisita habang umiiyak na sa gilid si Silvia kasama si Reim. Muling nakalingkis ang mga braso ni Silvia kay Reim habang hinahagod hagod naman ni Reim ang likod ng babae. Talaga pang mas mukha silang magka-relasyon keysa kay Reina na iniwan na lang bigla ni Reim sa gitna ng komusyon. Maski isang beses na pagtatanggol ay hindi nito ginawa at halatang walang pakialam. "Malandi ka! Just look at Silvia! Don't you know that they have an affair with your younger daughter's boyfriend?!" muling sigaw ng sopistikadang babae at tinuro ang dalawang nagyayakapan sa gilid. Agad namang napatigil ang lahat at napatingin sa dalawa. Doon na tuluyang pumasok sa utak nila kung gaano ka weirdo ang nangyayari dahil imbes na si Reina ang inaasikaso ni Reim ay iba ang inaatupag nito. "N-No!" agarang tanggi ni Silvia at naglayo sila ni Reim. "Anong hindi?!" ngising sabi ng babaeng kasama nila kanina. Parang kanina lang todo puri ito sa kanila pero ngayong nakakita na ng pagkakataon ay lumabas agad ang pag-uugali nito. "Akala niyo ba hindi namin nakita yung nangyari sa likod ng garden ng banquet? We saw the two of you kissing! No, it's made out! Halos maghubaran na kayo pero itatanggi niyo pa rin?! Malandi!" "I-It's not true! You have no evidence!" sigaw ni Silvia at umiiyak na lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa mga kamay. "Reina, don't listen to them, okay? Just trust Ate. You believe on me, right?" kinakabahang anito habang mas pahigpit na pahigpit ang hawak sa kamay niya. Lumapit din si Reim sa kanila at hinawakan siya sa balikat. "Sweet, you know that I've always loved you. Don't listen to them. They're just saying that because they're jealous—” "Heh, selos?!" ismid ng isa pa at tumawa ng malakas na para bang nakarinig ng isang matinding biro. "Sino ka para pagselosan? You're just a slut!" "Bawiin mo yan!" sigaw nito pabalik at kinakabahan namang bumaling sa kaniya. "R-Reina—" "Isn't it the truth?" "W-What?" parehong napaawang ng labi ang dalawa. Napatigil din ang iba at lahat ng tao ay tumingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Hindi ba't totoo namang may relasyon talaga kayong dalawa… Ate?" Magbabayad kayong dalawa sa oras na'to! Sisirain ko kung ano man ang meron kayo! ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD