bc

The Tulips and Us

book_age16+
580
FOLLOW
1.7K
READ
like
intro-logo
Blurb

From being a nurse in a hospital, Thea becomes the personal nurse of the uptight man, Zeus. With her bubbly personality, she believes she could melt the cold heart of her boss.

Little by little, closer to closer, like what she expected, she did. She melted the uptight man. She thought that everything was going well.

Not until the ghost from his past came back.

chap-preview
Free preview
Unang Kabanata
I stopped in front of an 18th century mansion. Parang hindi totoo ang nakikita ko. Hindi naman siguro ako naligaw kasi kilalang kilala naman ang subdivision na ito. Tinapik ko pa nga ang pisngi ko. I must be dreaming! Bakit nasa England naman ako? Napailing na lang ako sa naisip. Hindi ko akalaing ganito pala kaganda ang bahay ni Tita Alaine. Well, she looked really elegant and classy the first time I met her. I guess, alam ko na kung bakit. May nakita akong katulong na lumabas galing sa mansion. She opened the gate for me. Pumasok na naman ako. Ilang sandali pa ay nagpark na ako sa may garage nila. The moment I stepped out of my car, I was in awe! Every single thing in this house or should I say—mansion is just amazing. Ang ganda! I never knew I'd see something this aristocratic dito sa lugar namin. Akala ko sa England na lang ito nage-exist o kaya ay sa google. I saw Tita Alaine standing by the front door. Nasa kanan niya naman ang isang babaeng may katandaan na rin. Agad naman akong ngumiti at bumati. " Hello po. Good morning!" Nagulat ako ng niyakap ako kaagad ni Tita Alaine. " I'm so glad you're here, Thea! I know you really love your job in the hospital, but I really need someone like you here." Ngumiti na lang ako kay Tita at hindi na nagsalita. Mami-miss ko ang mga co-health workers ko pero ramdam ko talaga ang distress ni Tita noong pinuntahan niya ako at nag-offer. Um-oo na lang ako. Isa pa, malaki amg utang na loob ko kay Tita Alaine. " Thea, si Manang Myrna nga pala." Nagmano ako kay Manang at bumati. " Hello po Manang!" "Aba kay gandang bata! Magalang pa. Hindi ka nagkamali sa pagpili Alaine." Nahiya naman ako sa papuri ni Manang kaya ngumiti na lang ako kasi totoo naman. Pero grabe naman sa 'pagpili'. Hindi naman siguro ako bubugawin dito no? Iginaya ako nila Tita papasok sa mansion nila. " Pasok na tayo sa loob. I'm excited to introduce you to your patient." "Ako rin po, excited na makita siya." Ano kayang itsura ng alaga ko? Nasabi na sa akin ni tita na nag-iisang anak niya na lalaki ang aalagaan ko. Hindi ko maiwasang igala ang paningin ko. Lahat ng bagay, detalye, ay nakakamangha talaga. Sino kaya ang architect nila dito? Matagal na kaya itong mansion? Mukha kasi siyang matagal na dahil sa theme nila pero makikita mo namang well-maintained ito. Pagdating namin sa living room, ay pinaupo ako nila Tita sa may couch. Naging conscious naman ako sa mga kilos ko, kasi baka makasira pa ako ng kung ano. Grabe, bagay na bagay talaga ito para mag shoot ng pelikulang may mayayaman na pamilya. Vintage na vintage din ang aesthetic na pinapakita. Nate-tempt akong magpicture at magpost sa social media ng #livinginthe18thcenturydream. Char. Pero syempre, manghihingi ako ng permission. Perfect kasi nito para sa IG ko. " Chona, pakikuha naman 'yong hinanda natin for Thea." pagtawag ni Tita sa isang babae. Si Chona pala iyong nagbukas ng gate kanina. " I'll go get Zeus first." paalam ni Tita. She almost hopped her way towards her Zeus. Ganon ba siya ka excited? Ako din naman ay excited na na makita at pasayahin ang new patient ko. " Thea, bagay kayo ni Zeus." nagulat naman ako kay manang. " Hala, ikaw manang. First day na first day binubugaw mo na ako." mahina naman akong hinampas ni manang sa may balikat. " Hayaan mo na, single naman 'yon. Ikaw ba?" grabe naman to si manang. Napaka straight-forward. Sasagot na sana ako ng nagpatuloy siya. "Wala ka naman sigurong boyfriend. At kung meron man, nako sinasabi ko sa iyo. I-break mo na." Hala siya! Grabe ang mean naman. Pero totoo naman na wala akong boyfriend pero kung meron man, ibebreak talaga? Tumawa na lang ako kay manang. Nahawa siguro siya dahil tumawa na rin siya. Maya-maya pa ay nakita ko si Tita na may tinutulak na wheel chair. He's wearing a knitted brown long-sleeved shirt paired with a gray sweatpants. Nakayuko naman ito kaya hindi ko kita ang mukha. Looking at his physique, I can say that he's build is kind of muscular before. Pero dahil siguro sa isang taon na siyang nakatengga, kaya siguro hindi na siya nakakaoag work out. Paralyzed kasi ang lower body niya sabi ni tita sa akin noong sinabi niya sa akin ang condition ng magiging alaga ko. At first napaisip ako na, hindi siguro personal nurse ang kailangan niya kasi, wala naman siyang sakit na need ng medical expertise. Physical therapist ang kailangan niya. Pero nag-insist kasi si tita kaya napa-oo na lang ako. His black wavy hair flowed right below his chin. Halos abot na nga sa balikat niya. Agad naman akong tumayo at bumati. " Hi! Good morning sir! I'm Thea, your personal nurse starting today." I plastered a bright smile while offering my hand for a shake. Napapalakpak naman sila Tita at manang. I guess they loved the energy I'm giving. Ilang segundo pa ang lumipas at nangalay na ang kamay ko pero hindi pa rin tinatanggap ni Zeus ang kamay ko. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko ng hanggang ngayon ay hindi niya pa rin inaangat ang tingin sa amin. " Uh, I'll bring you to your room Zeus" awkward na ngumiti si Tita sa akin habang itutulak na sana ang wheel chair. Nag thumbs up na lang ako kay Tita at ngumiti. Nagtinginan kami nila Tita at manang. I cleared my throat. " Baka wala po sa mood si sir, Tita. Tulongan ko na po kayo sa paghatid." " Sige Thea, halika." lalapit na sana ako kay tita ng nagsalita si Zeus. " I want to be in the garden first. You can bring me there Ma." he said emphasizing the 'Ma'. Tinignan muna ako ni Tita bago napailing na tinulak ang wheel chair ni Zeus. Hinatid ko sila ng tingin. So he's Zeus huh? I'll be dealing with him for a while. Napabuntong hininga na lang ako at nagfighting hand sign. Kaya mo 'to Thea. You've handled the worst attitude problem patients already. Hindi naman siguro ganon kahirap pakisamahan ang cold and distant Zeus na 'yon. Fighting! Binaling ko ang tingin kay manang. " Diba manang?" napakunot naman ang noo ni manang sa akin. " Anong diba?" ay. Nadala pala ako sa isip ko. Hindi ko pala iyon sinabi ng malakas. "Ay wala po. Mabait naman po si Zeus diba?" pagtatanong ko. Ngumiti lang naman si manang sa akin. Nako! Bakit pakiramdam ko masama ang ngiting 'yon? " 'wag kang mag-alala Thea. Sa gandang mo 'yan, bibigay din 'yon." dahil sa sinabi ni manang, na boost ng kahit 0.1 percent ang confidence ko. 99.9 percent ay confident na kasi ako. Nadagdag lang ang 0.1 na 'yon. Aba syempre, dapat confident tayo. Fighting! Nakita kong lumapit iyong tinawag na Chona ni Tita kanina. Nilagay niya sa may center table ang isang wooden tray na may isang pitsel ng juice at may fresh fruits din. " Ikukuha ko po kayo ng tubig ma'am." sabi niya. Agad naman akong umiling. " Salamat. Pero 'wag na. Dito na din naman ako magtatrabaho kaya ako na lang ang kukuha sakaling mauhaw ako. Tsaka, Thea na lang ang itawag mo sa akin." sabi ko ng may kasamang pagngiti. " Sige, Thea. Ako nga pala si Chona. Mukhang mas bata ka sa akin." " Hindi naman siguro. 26 na ako. Ikaw ba?" pagtatanong ko kay Chona. " Ang bata mo pa tignan. Pero magkaedad lang pala tayo." Narinig naman naming tumikhim si manang. " Ay sige Thea, mamaya na lang tayo magchika. May tatapusin pa kasi ako." lumapit naman siya sa akin at ibinulong ang huling mga salita. "Strikta kaya 'yan si manang." sabi niya ng may kasamang pagtawa ng mahina. Tumango na lang ako sa kaniya at napatawa rin. Pagkaalis ni Chona, ay nagsalin ako ng juice sa baso. Binigyan ko rin si manang. Muntik ko ng makalimutan sila Tita Alaine. Kitang-kita ko sila Tita sa may garden nila. Open kasi ang parang porch nila at ang living room nila ay napaka open rin. Mukhang halos lahat dito ay open. Mukhang seryosong nag-uusap sila Tita at Zeus. Nakaharap si Tita kay Zeus kaya kitang-kita namin ang mukha niya. Habang si Zeus ay nakatalikod sa amin. Hindi ko pa rin nakikita ang kabuuang mukha ni Zeus but...come to think of it. His name reminded me of someone I knew back in high school...I was snapped back into reality ng nagsalita si manang. " Hayaan na lang natin silang mag-usap Thea. Isang taon din na kami ang nag-alaga kay Zeus. Ayaw niya kasi magpaalaga sa iba." napabuntong hininga naman si manang habang nagoatuloy sa pagsalita. " Lalo na si Alaine. Napaka hands on niya. Pero kailangan na kasi niyang ipokus ang sarili sa ibang bagay." napatango naman ako sa sinabi ni manang. Iyon din ang sinabi ni tita noong pinuntahan niya ako. Na kailangan na niyang bumalik sa negosyo niya. Marami din daw siyang kailangang asikasuhin. "Alam kong nahihirapan si Zeus...pero naaawa ako sa nanay niya. Mas nahihirapan siyang makitang ganyan ang anak niya." Ramdam na ramdam ko talaga ang concern ni manang. Pamilya na siguro ang turing niya kina tita. Kung sabagay, matagal na siyang nagtatrabaho dito. Nakatitig pa rin si manang sa kanila tita kaya napatingin din ako sa kanila. Nagulat ako ng biglang napaiyak si tita Alaine. I was about to go to her when manang held my arm. Umiling lang siya sa akin. " Sigurado naman akong walang ginawa si Zeus. Mabait ang batang iyon. Nadala lang siguro sa emosyon si Alaine." Binalik ko na lang ang tingin sa kanila ni tita. Napaisip ako. Ang hirap siguro ng sitwasyon ni tita Alaine. Sabagay, nag-iisang anak niya ito. At alam kong mahal na mahal niya ito. Nagpapahid si tita habang naglakad pabalik sa amin. Nag-usap na lang kami ni manang. We didn't want to appear like we're watching them the whole time naman. " Pasensya ka na Thea. He's quite difficult to handle." sabi ni tita. Umiling na lang ako kaagad kay tita. " Nako sanay po ako sa mga katulad niya po. I can handle him tita." sabi ko. " O sige, puntahan ko muna si Chona. Titgnan ko lang ang niluluto niya." paalam ni manang sa amin. Naiwan kaming dalawa ni tita. Naririnig ko pa siyang sumisinghot. Hindi ko na muna siya tinitignan. Binigyan ko na lang muna siya ng time. Ayaw din naman nating may tumingin sa atin habang umiiyak diba? Maya-maya pa ay inaya niya akong pumunta sa counter. " Help me prepare Zeus' tea na lang muna Thea. At this time of the day, mahilig siyang uminom ng tsaa." " Sige po." Nag prepare na kami sa tea ni Zeus. Mula dito sa counter ay nakikita pa rin namin si Zeus. Mukhang designed ang bahay nila para makita ang lahat ng angle. Char lang. " Ako na po ang maghahatid nito tita. Para naman masanay na siya sa presensya ko." sabi ko. Sa ayaw o gusto ni Zeus, wala siyang magagawa. Nandito na ako para alagaan siya. Nilagay ko ang teapot at teacup ni Zeus sa may tray. Nilagyan din ito ni tita ng teaspoon, honey bottle, at panyo na may lace. May fresh berries din na kasama. Grabe 18th century na nga ang vibes ng bahay, pati ba naman sa pag tsaa ni Zeus? Kung sabagay, english na english morning ang feels dito sa kanila. Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa kaniya. Mahirap na baka mapatid ako o ano. Mainit pa naman ang tsaa. Nasa may gitna siya ng garden. May mga upuan, at mesa sa gitna pero hindi naman nagagamit ang mga upuan kasi naka wheel chair naman siya. Nakatalikod siya sa akin at nakaupo lamang ng diretso. Pumunta ako sa may harap niya at dahan-dahang ibinaba ang tray. I coughed to get his attention. "Good morning! Here's your morning tea sir." masiglang pagbati ko sa kaniya habang kinukuha ang mga bagay sa tray. Wala din naman akong narinig na response mula sa kaniya. Dahan-dahan kong binuhusan ang tea cup niya. " Hmm. Ang bango naman nito sir Zeus. Favorite niyo ang chamomile? Ako kasi mas gusto ko ng green tea. Alam mo na kasi, common lang. Hehe." pagtatanong ko sa kaniya. As usual, tahimik lang siya. " Pero 'yong isang best friend ko, favorite din ang chamomile tea." pagpapatuloy ko sa pagsalita. Inangat ko na ang tingin ko at inabot ang tea sa kaniya. " Heto na si—" Napatalon ako sa gulat ng makitang nakatitig siya sa akin. Dahil sa gulat, nabitawan ko ang hawak na tea cup.Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Narinig ko ang pagkabasag ng cup. Naglanding kasi ito sa may marble floor nila. Parang may stage kasi dito sa garden kung saan nakapweso ang table, at may parang roof din. Naramdaman kong tumilapon ang mainit na tsaa sa may paa ko. " Z-zeus?!" napaawang ang labi ko habang gulat na gulat na nakatitig sa kaniya. " As in Ulyses?!" he looked straight at me na para bang tumatagos lamang ang tingin niyabsa akin. Nakatitig lang siya sa akin gamit amg walang buhay niyang mga mata. Wala ring emosyon na makikita sa mukha niya. Naka straight line lang ang kilay niya, na para bang hindi man lang nagulat sa reaksiyon ko. " Yes. Do I know you?" tanong niya sa monotone na boses. Walang kabuhay-buhay. Sa wakas, nagsalita na din siya. Kinakailangan pa bang mabasag ko ang tea cup bago siya magsalita? Napatakip ang isang kamay ko sa bibig habang napahawak ang isang kamay ko sa may dibdib. Paano ko sasabihin sa kaniya na kilala ko siya, dahil ako lang naman ang greatest admirer niya noong high school?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.1K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Twin's Tricks

read
560.4K
bc

That Night

read
1.1M
bc

The Billionaire's Surrogate (Filipino)

read
2.0M
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook