Simula no'ng dumating ako wala pa rin akong nakikitang picture ng tatay ni Zeus o di kaya ay pinag-usapan man lang. Gusto ko nang tanungin si tita, o kaya si manang o Chona pero masyado naman yata akong chismosa kung ganoon. Still, I think I deserve to know. Charot. Akala mo naman biyenan hihi. Pero seryoso nga. Hindi ba at maganda iyong may alam ako kahit konti para man lang magkaroon ako ng caution sa mga sasabihin at gagawin ko? naiintindihan ko naman kung ayaw nilang banggitin. Syempre, nagtatarabaho lang ako dito. Hindi naman ako donya o amo na masusunod. Dapat pa rin nating bigyan ng privacy sila. Pero kasi naman eh. Curious na curious na ako! siguro nga napaka pakialamera ko na kung ganoon diba? curiosity kills the cat...at hindi ako pusa! Bahala na nga lang, siguro naman dadati

