Simula
Simple lang ang buhay para sa akin. For me, all you have to do is go with the flow. It's basic. Go with the system. Follow the rules, and don't do anything that will give you trouble or will put you through the long process. I want everything to run smoothly without any hassle. 'Yong tipong sa isip mo pa lang, mayroon nang end point. May goal kumbaga. Mayroong process. Kung magpapasa ako ng school requirements, wala na akong makakaligtaan pa. Ililista ko lahat ng kailangan kong tapusin at ipapasa ko sa takdang oras; Kung sinimulan kong maging Rank 1 mula n'ong mag-aral, hindi na 'yon mababali pa… ako dapat ang Rank 1 hanggang matapos ang school year; at kung papasok man ako sa school, walang mangyayaring aberya sa daan.
...because the thing that I hated the most, is ruining those "dapat" on my head.
Dapat maipasa ko lahat 'to ngayon...
Dapat rank 1 ako this grading period...
Dapat makarating ako on time sa school.
''Ay Mama!'' Napa-pikit at napa-hawak ako sa dibdib dahil sa napakalakas na businang iyon. Kunot-noong nilingon ko kung saan galing at tanging isang sasakyang itim lang naman ang nadatnan ko. Inayos ko ulit ang pagkaka-sukbit ng backpack ko saka muling nagpatuloy sa paglalakad.
Akala ko tuloy mayroon nang traffic dito sa kalsada na malapit sa school namin, ‘yon pala isang sasakyan lang naman. Ako ba ang binubusinaan nila? Wala naman akong kakilalang may ganoong sasakyan, hindi kaya pinapatabi lang nila ako sa daan kaya sila nangbusina?
Nilingon ko ulit ‘yong sasakyan at napansing naka-tigil lang ito at hindi gumagalaw. Napatalon naman ako sa gulat nang bigla na naman itong nang-busina at nagsimula nang umandar.
OMG, ano bang problema nila?!
Nang mapansin kong mabagal ang takbo ng sasakyan at mukhang papunta sa akin, halos kumabog ang dibdib ko sa kaba. Noong una ay napa-atras lang ako pero noong na-realize kong ako nga ang sinusundan nito ay tumalikod na ako upang mag-half-lakad at half-takbo.
Ayokong tumakbo officially dahil baka mali ako at mag-mukhang tanga lang dahil sino bang magla-lakas loob manguha ng estudyante sa tabi mismo ng school? On a broad daylight at marami pang tao sa paligid? Ayoko ring mag-lakad lang dahil baka tama ang iniisip ko’t kidnapper nga ang nasa loob ng itim na sasakyan na ito’t ako ang balak nilang kidnappin? At malakas lang talaga ang loob nila para ma-ngid-nap kahit umagang-umaga?
''PEEEEEEEP PEEEEEEEP!'' busina pa rin n'ong sasakyan as if they were talking to me!
Ayoko na, ang creepy!! Baka mga kidnapper talaga ang mga ito? Wala na akong pakialam! Kailangan ko nang tumakbo!
''PEEEEEEEP PEEEEEEEP!''
Halos gusto ko nang tumili at sumigaw dahil sa kaba dahil noong tumakbo ako ay humarurot din ang dating mabagal na takbo ng sasakyan. Sa sobrang bilis ng takbo ko ay natalisod ako at napaluhod sa lupa! Naka-hawak naman ako agad sa railings kaya hindi ako tuluyang nadapa.
“Aish!” lukot ang mukhang tinignan ko ang tuhod ko. Mayroon itong alikabok at maliit na sugat pero hindi ko iyon ininda. Muli akong tumayo para magpatuloy sa pagtakbo.
"PEEEEEEEP PEEEEEEEP PEEEEEEEP PEEEEEEP PEEEEEEP PEEEEEP!!!!"
WHAT THE HECK?
Yung busina nila mayron nang pattern na para bang nanloloko at nananadya lang! Napatigil ako sa pagtakbo at napalingon sa sasakyang nilampasan na ako ngayon. Humampas ang hangin sa mukha ko at nalaglag ang panga noong tumigil ito sa hindi kalayuan. Lumabas mula rito ang mga...
MGA MEN IN BLACK?
Napakapit ako ng mahigpit sa railings, napalunok, saka tinanaw ang gate ng school namin. Malapit na malapit na, actually. Kung mga kidnapper nga ito at tatakbo ako ngayon, kakayanin kaya? Napatingin rin ako sa paligid, at may mga tao naman, at estudyanteng katulad ko na papasok pa lang.
Ngayon ko lang napansin na halos lahat pala ng estudyante ay nakatingin, at minsan nakikipagbulungan sa kasama habang tinuturo ang direksyon ng sasakyan. Bumalik tuloy ang tingin ko sa dalawang men in black, at medyo napaayos ako ng tayo nang makitang mukhang hindi naman pala nila ako kikidnapin. Nakatayo lang sila doon na parang mga sundalo... patiently waiting for their prince to come down.
Napatunganga ako sa pagbukas ng pintuan ng driver's seat. Pakiramdam ko ay biglang may drum rolls na tumugtog habang hinihintay nila ang boss nilang tall, dark and...
Literal na nalaglag ang mata ko.
What the-? Hahahahahahahahahaha!
Napahalakhak ako sa isip ko, pero siniguro kong composed pa rin ako outside. I bit my lower lip para mapigilan ang sobrang pagtawa. Pinagmasdan ko 'yong bagong baba na mukhang kasing edad ko lang, a typical teenager na rich kid at spoiled brat!
Taas ng araw. Naka-shades pa siya, naka-tshirt at black na pantalon. Tss. Siguro ay siya 'yong nantitrip sa akin kanina na busina ng busina. So, tama nga ako na nangti-trip lang siya at nananadya?
"Ang lakas ng loob mantrip, ang panget naman pala ng boss niyo. Ang sama pa pati ugali, psh.''
Nilakasan ko ang boses ko, I think they won't understand me anyway. Mukha silang mga black american. Hindi ko rin alam bakit ba sila nasa harapan ng school namin. Alam kong masama ang manghusga, at hindi ako ganitong klase ng tao, pero minsan may exceptions din.. Nakakainis e. I wasted a lot of time, kung sana ay ipinambasa ko na lang ito ng libro ay may natutunan pa ako. Parang nasira 'yong routine ko, gan'on, kasi may agaw-eksena. May epal.
Inalis ko ang paningin sa kanila at pinagpatuloy muli ang paglalakad. Late na ako!
''PEEEEEEP!'' Napatalon na naman ako dahil sa businang iyon.
"Sandali... Miss." Na sinundan ng tinig ng isang lalaki.
Huh?
Hindi ko alam kung bakit biglang gumapang ang kaba sa buong sistema ko. Napaharap ulit ako sa kanila ng hindi oras. Tahimik, at nakatayo lamang doon ang apat na para bang mga sundalo. Wala ring emosyon ang mga mukha nila. Para bang... meron pa silang hinihintay na bumaba.
"Anong sinabi mo?"
Awang ang bibig na pinagmasdan ko ang matipunong paglalakad ng isang lalaki palapit sa akin, at ang awtomatikong pagtingala ko sa kaniyang mata dahil hanggang leeg niya lang yata ako.
"Sino ulit?'' aniya pa. ''Yung sinabi mong panget kanina?"
Siya 'yong agaw-eksena. Siya 'yong epal. Siya 'yong singit. 'Yong hassle sa smooth kong araw.