Ayradel's Side Tiningala ko ang mataas at light blue gate. Saka ko binasa ang tatlong letrang nakakabit sa itaas na bahagi n'on. L E E sa ibaba nito ay ang salitang University. LEE University Hindi ko namalayang napatitig na pala ako doon. "Pst, Besty, lakad." Humawak si Besty sa braso ko kaya naman napahakbang ako ng di oras palapit ng entrance ng school. "Wait, kinakabahan pa ako." Sambit ko lalo na nang makita kong nasa harap na namin ang mga guard ng Lee University. "Ano ka ba naman, Ayra, parang ngayon ka lang sasali sa Quiz Bee ah?" Sagot ni Ella. "Wag ka nang kabahan! Eazy lang 'yan!" Agad niyang ini-swipe ang I.D niya sa detector nang makarating kami doon, dahil dito talaga siya naga-aral sa Lee University. Talagang sumabay lang siya sa pagpasok sa amin para ma-guide niya

