Ayradel's Side Nailang ako sa pananahimik ni Lee-ntik hanggang sa makapunta kami sa Tirona High. Naging tahimik rin siya noong pang-umagang klase, pagkatapos noong nag-lunch break ay agad siyang umalis nang hindi man lang nagpapaalam. I shook my head, what the hell? Bakit kailangan niyang magpaalam sa iyo Ayradel?! "Well, well, well," Boses ni Jully ang narinig ko bago ko pa man mapuntahan si besty sa upuan nito. Mayroon kaming 1 hour break, at yayayain ko sana siyang magrecess nang harangin na naman nila ako. Ano na naman bang issue nila? "Nakita ka namin." maarteng sabi ni Zhien. "At bakit? Gusto mo bang dukutin ko mata mo para hindi mo siya makita?" agad namang sumingit si besty. Oh no. Lumapit si besty sa amin at humarang sa harapan ko. "Gaga. Nakita namin siya kanina, with Ri

