Chapter Thirty: Ashtrid Maker. "Mommy," mahinang bulong ni Ashtrid nang may naramdaman siya na para bang dumaan na tao sa kaniyang harapan. "Bakit anak?" "Ma-may, may tao mommy," lumapit si Ashtrid sa tabi ng kaniya ina at kumapit sa kamay nito. Palagi siyang nakakaramdam ng mga anino sa kaniyang paligid at hindi niya alam kung bakit, wala naman siyang ginawang masama sa isang tao. "Anak, nararamdaman mo lang naman 'yan, hindi iyan totoo," paghihinahun sa kaniya ng ina, maya-maya ay may naramdaman nanaman siyang anino, pero ngayon ay iba na, nasa tabi niya ito at para bang may gagawin itong masama sa kaniya. "Aaahhhh!" Sigaw nalang ang kaniyang nagawa, pagtaklob ng tenga at pagpikit ng mga mata. Hindi niya matanggal sa isip ang anino na yun, napakaitim ng buong katawan at napakatangka

