Chapter Thirty-one: The Test Papers. "Ashtrid? Anong nangyare?" Deretsyong tanong ni Kerri nang makita niya si Ashtrid na umiiyak na nakaupo sa ambulansya. Nasa labas ang mga estudyante pati na rin ang mga pulis. "Wala na sila," walang emosyon na sabi ni Ashtrid kila Kerri, Nash, at Elias. Hindi nila alam kung ano ang nangyare at kung sino ang namatay, basta nakita nalang nila ang mga kotse ng pulis at mga estudyante na nagkukumpulan sa tapat ng gate. Nagtaka silang tatlo kaya pumunta sila sa labas at doon nila nakita si Ashtrid. "Sinong sila?" takang tanong ni Nash, lumapit ang lalaki sa babae at hinawakan ang likod nito para damayan. Hindi kasi sila sanay na malungkot ang dalaga, kilala nila si Ashtrid bilang masayahing babae, hindi katulad ng mga kaibigan nito. Hindi pinansin ni Ash

