Chapter Thirty-two: The Police. "Sir tanghalian niyo po," sabi ng kaniyang kasambahay at pumasok sa loob ng kaniyang opisina. Tinignan niya lang ang kasambahay at hindi niya pinansin, dahil may tumawag sa kaniya. [Nagkaroon po ng problema, Hepe.] "Ano?" [Meroon po kaming natagpuan na isang paaralan sa kagubatan, meroon pong namatay na dalawang dalaga rito. Kailangan ka po namin mamaya.] "Pati ba iyan poproblemahin ko? Ayusin niyo 'yan, huwag niyo akong istorbohin," seryosong sabi ng Hepe habang nakatingin sa kaniyang kasambahay. Pagkababa ng tawag ay mabilis siyang naglakad palapit sa babae at mapusok itong hinalikan. *** "Ayus ka na ba Ashtrid?" Deretsyong tanong ni Kerri nang makita niyang nagmulat ng mga mata ang babae, mahigit tatlong oras na itong natutulog, ayaw naman nilang

