Chapter Thirty-three: Nasher Jones. "Magnanakaw! Yung bag ko! Kinuha ng lalaki ang ko!" Takbo lang ng takbo si Nash, hinahabol siya ng isang pulis, dahil meron siyang kinuhang bag sa isang mayaman na babae. Kailangan niya ng pera para magkaroon ng tuition sa gusto niyang paaralan. Ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang niya, kaya pagnanakaw ang naisip niyang paraan. Hiningingal na siya kaya naisipan niyang tumigil at magpahinga. Tumingin siya sa likod, nang makita niyang wala ng pulis na humahabol sa kaniya, ay pumunta na siya sa bahay nila. Wala ang kaniyang magulang, dahil nasa trabaho ang mga ito, siya lang naman ang kaisa-isa nilang anak. Pagkapasok niya sa loob ng kaniyang kwarto ay itinago niya agad ang bag sa kabinet, kumuha siya ng damit at ng towel para maligo, para makapagp

