“Wow!” Bulalas ko habang nasa sasakyan. Parang bata na tinanaw ko ang mga puno sa gilid ng kalsada. Nakalagay pa ang pareho kong kamay sa bintana ng kotse. Ang sabi nila magkakajetlag ka raw kapag labas mo ng eroplano pero ni hindi ko man lang iyon maramdaman dahil sa ganda ng tanawin na bumungad sa akin pagkalabas pa lang namin kanina ng airport hanggang ngayon. “You like it?” Rinig kong tanong ni Third. Nakangangang tumango ako sa kanya, hindi pa rin inaalis ang paningin sa labas. Panay ang pagkaway ko sa mga nadaraan at kakatwang kumakaway din ang mga ito sa akin. Dati sa mga palabas ko lang nakikita ang mga ‘to. Hindi ko akalain na ngayon ay makikita ko mismo ang mga magagandang puno na ‘to nang harapan. “Cherry blossom ‘yon hindi ba Third?” Tanong ko saka excited na binalingan si

