Bitbit ang mga kaldero at lagayan ay nakabusangot akong pumasok ng bahay. Paano wala man lang gustong tumulong sa akin magligpit ng mga ginamit nila sa pagtitinda. Si Mama ay abala sa pagbibilang ng kinita nya, si Mr. Levi naman ay nauna nang umuwi dahil may biglaang lakad pa sya. “Baka naman may makaramdam dyan oh.” Pagpapahiwatig ko pero hindi man lang nila ako pinansin. Nakita ko pang nagmamadaling tumakbo papasok si Heather at mabilis na isinara ang pinto. Wala akong ibang nagawa kundi mag-isang ipagpatuloy ang pagliligpit. Nang makatapos ay saglit akong nagpahinga at naligo. Balot pa ng twalya ang buhok ko nang lumabas ako ng aking silid. “Masaya ka Ma?” Sarkastikong tanong ko Agad naman itong ngumiti saka tumango, “Maraming naibenta ngayon dahil kay Levi. Siguro a

