“Clara are you busy?” Nag-angat ako ng tingin matapos marinig si Mr. Levi. Nakangiti ito sa akin habang hawak ang isang box ng donuts na agad din nyang iniabot sa akin. “Marami ka pa bang ginagawa?” Muling tanong nya. Umiling ako saka sya binigyan ng isang magandang ngiti. Nitong mga nakaraan ay parati syang naroon sa harap ng table ko kaya naman madalas ang panunukso sa amin ng mga empleyado sa floor namin. “Let’s eat lunch outside.” Suhestyon nya at saka tumalik upang muling bumalik sa kanyang opisina. “Yiee. Level up ka na talaga Clara.” Panunudyo ni Wendy na mabilis tumakbo sa pwesto namin nang makitang umalis na si Mr. Levi sa aking harapan. “Mrs. Lopez.” Pang-aasar ni Yvette na hinawi pa ang aking buhok. “Ano ba?” Kinikilig kong saad saka sila marahang itinula

