"L-levi," pagtawag ko. Hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa kaliwang braso ko habng kinakladkad ako papasok sa building ng condo. "A-aray." Pagdaing ko nang mag lalobg humigpit ang kapit nya habang pinipindot ang numero ng floor namin sa elevator. Kuha na namin ang atensyon ng iba ero tulad ng dati ay parang walang pakialam si Levi sa mga taong nanunuod sa amin. Nanatili syang hawak ang braso ko at halos matumba ako nang hilain nya ako papasok ng elevator. "Levi." Muling pagtawag ko saka sinubukan muling tanggalin ang kamay nya. Sa pagkakataong iyon ay nagwagi ako nang kusa nya akong pakawalan. Mangiyak-ngiyak na hinimas ko ang kamay kong namumula. Nang tingalain ko sya ay hindi man lang nagbago ang galit nyang mukha. Kunot ang noo nya at nagsusuntukan ang kanyang mga kilay. Na

