"Third." Gulat na tawag ko. Sa itsura nya pa lang ay natitiyak kong narinig nya ang sinabi ko. Maingat akong tumayo at bahagya syang sinampal. Panay ang pagkabog ng dibdib ko sa katangahang nagawa ko. 'Eh hindi ko rin naman kasi alam na nandito sya no!' "T-third?" Muling pagtawag ko nang manatili syang nakatingin sa akin. Mas lalong binubuhay ng lalaking 'to ang kaba ko eh! "Y-yes?" Tanong nya matapos kong tusukin ang pisngi nya. "Ayos ka lang ba?" "Oo." Tugon nya na umiling pa. Hindi ko tuloy malaman kung ano talaga ang totoong sagot nya. "You're pregnant?" Shoot! May narinig nga talaga sya! "Ha? W-wala akong sinabing ganon ha!" Pagtanggi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya saka muling umupo. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa punong sinasandalan. Humalukipkip ako saka i

