“Wear this,” saad nya saka ipinatong sa balikat ko ang polong nakasabit kanina sa katawan nya. Impit na kilig ang narinig ko mula kay Yvette. Mahina akong tumikhim nang manatili si Third na nakayuko sa akin. Agad syang umatras saka nagpatiunang naglakad. “Niyakap ka no?” Tanong agad ni Yvette. Pareho naming tinanaw si Third na panay ang pagkamot sa kanyang batok habang naglalakad palayo. Ilang ulit na dinuro ni Yvette ang tagiliran ko dahil siguro sa kilig na kanyang nararamdaman. “H-hindi. Ipinatong nya lang ‘to.” Utal na sagot ko saka iniayos ang pagkakasuot ng polo na ibinigay ni Third. Hindi ko maiwasang hindi makaramdaman ng pagkailang dahil sa nasaksihan nila. “Nako. Kung nakita mo lang si Papa Third kung paano sya tumingin sa’yo, paniguradong maiihi ka sa kilig.” Dagdag nya sa

