“What happened?” Nag-aalalang tanong nila Yvette nang marating nila ang cottage namin. “Sprained ankle.” Sagot ni Third na hindi inaalis ang paningin sa aking paa. Seryoso syang nakatingin doon na akala mo ay alam nya kung ano talaga ang naging problema ng paa ko matapos kong matumba. Inilagay ko ang pareho kong kamay sa aking gilid saka inalalayan ang katawan ko sa pagtayo. “Okay lang ako.” Saad ko saka binawi ang aking paa. Pero ganoon na lang kadiin ang pagkakapikit ko nang maramdaman ang pagkirot mula roon. “Hindi ka okay para sa akin. Higa.” Utos ni Third. Nang tingalain ko sya ay ganoon na lang kaseryoso ang mga tingin nya sa akin. “Ano?!” “Higa!” Sigaw nya. Ano bang nangyayari sa taong ‘to? Bakit parang naging dragon? “Ba-bakit?” Alanganing tanong ko. Itinakip ko ang aking

