KINABUKASAN ay akala ko ako na ang pinakamaagang naging. Excited pa namang akong magluto at kumuha ng litrato para ipadala kay Mama kaso nga lang pagpunta ko ng kusina ay nakaayos na ang almusal namin ni Third. “Anong problema?” Tanong nya nang mapansin ang pagsimangot ko. Inalalayan nya akong maupo saka nilagyan ng pagkain ang plato ko. “Plano ko kaso sanang magluto para magpicture eh.” Tugon ko. Gustuhin ko man na matakam sa kakaibang pagkain na nasa harapan ko ay hindi ko magawa dahil nanghihinayang talaga sa makukuha ko sanang litrato sa loob ng isang Japanese kitchen. “Para saan?” “Para kay mama, ano pa ba?” Sagot ko saka kinuha ang tinidor. “Edi ikaw na lang ang maghugas mamaya.” “Ha? Bakit ako?” Kunot ang noong tanong ko. Isa na siguro ako sa milyong-milyong tao na pinaka

