“And… we’re done!” Sigaw ni Matthew. Agad na umayos ako ng tayo saka iniyuko ang aking katawan. Rinig ko ang palakpakan nila kaya hindi ko naitago ang aking mga ngiti nang salubungin ko ang kanilang mga tingin. “Ah! You are a naturally-born model, Clara!” Saad nya saka ako inalalayan na lumapi kung nasaan ang laptop. Nakangiting sumilip ako roon at namangha ako nang makita ang sarili sa monitor. “You don’t look nervous sa lahat ng pictures mo! What a great model you are!” Papuri ni Matthew na panay ang pagpalakpak sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdaman ng hiya. Hindi ko kasi talaga inaakala na magiging maganda ang kalalabasan ng mga litraro ko. Naalala ko pang medyo nanginginig ang mga kamay ko kanina habang nagsisimula. “Napakagaling mo rin kumuha ng litrato.” Papuri ko sa k

