“Aalis ka?” Tanong ko nang mapansin ang pagmamadali ni Third. Wala akong pasok ngayon sa trabaho dahil sa ilang araw na magkakasunud-sunod na photoshoot namin nitong nakaraan. Nakangiting tiningala nya ako saka tinanguan. Hindi man lang ito nagsalita, nang matapos isuot ang kanyang sapatos ay agad syang lumabas ng bahay. “Saan naman kaya ang punta ng tao na ‘yon?” Tanong ko sa sarili saka dumiretso sa kusina. Buti na lang talaga may dala kaming Filipino snacks kaya hindi ko kailangan mamroblema na namimiss ko ang pagkain sa Pinas. Kumuha ako ng chips saka pumunta sa sala upang manuod pero wala ako maski isang maintindihan sa palabas kaya mas pinili ko na lang na patayin iyon. “Hay!” Bulalas ko saka ibinagsak ang katawan sa sofa. “Akala ko ipagpapasalamat ko ang pahinga na

