“Ikaw ang magiging amo ko?!” Gulat na tanong ko nang makita si Third sa loob ng opisina. Naka-upo sya sa swivel chair at tumango sa akin. Pakiramdam ko ay nalaglag ang panga ko s pagkakanganga. Hindi kasi halata sa kanya na may kompanya sya at may magtitiwala sa kanya. May pagmamalaki tumingin sya sa akin bago tuluyang tumayo saka ako nilapitan doon sa may pinto. Bahagya nya pang inayos ang suit na hindi ko malaman kung saan nanggaling bago ako inalalayan papasok sa kanyang opisina. “You’re hired.” Sinabi nya iyon na akala mo may interview na naganap sa pagitan naming dalawa. Hindi makapaniwalang tinignan ko sya at humagalpak ako ng tawa nang makitang panay ang pag-aayos nya sa kwelyo ng suot nyang polo dahil sa sikip non. Sino ba naman kasing tanga ang magsusuot ng small eh mukh

