Ilang buwan matapos kong nang ginawa kong pagtakas para puntahan si Levi ay mas lalong naging mahigpit si Mama. Minu-minuto itong kumakatok sa pinto ko para lamang matiyak na naroon ako sa loob. Mas lalo akong naging ilag nang malaman na lumipat na ng ibang bansa si Chloe at Levi para doon isagawa ang kanilang kasal. Halos hindi na nga yata ako kilala ng mga chismosa naming kapitbahay dahil sa pananatili ko sa loob ng aking silid. Ang pagkain ko ay palaging dinadala ni Mama o mas tamang sabihin na inilalapag sa pinto ng aking silid. Ayoko kasing pagbuksan sila at makita ang awa sa mga mata nila. Isang umaga ay pareho-parehong nanlaki ang mga mata ng pamilya ko nang makita akong lumabas ng aking silid. Bukod pa doon ay pormado ako nang lumabas. “C-clara!” Pagtawag ni Mama saka mabilis

