Chapter 7
PARANG ISANG HIMALA ang ibinigay sa akin ng langit dahil sa mga araw na nagdaan kasama si Pea at sina Nanay Fee at Tatay Kanor. Maging sina Dad and Mom. Nagiging maayos ang lahat. Hindi ko narin halos matandaan na ang sarili ko ay lugmok noong mga panahong nasa Manila pa ako.
"Ayan pala eh, matuto ka pala kapag kay Pea, siya lang pala ang guro mo," puna sa akin ni Tatay Kanor noong mga araw na tinuturuan ako ni Pea sa pagtanim at pag-ani ng mga gulay.
Ngumiti ako ng malapad. Isn't it obvious that I am madly in love and willing to be a serpant of Peablossom Alezaer?
Kakamot-kamot ako sa ulo ko ng mga araw na iyon. Hindi dahil sa nahihiya ako kundi dahil sa kinikilig ako. Wala akong maapuhap na sasabihin sa mga oras na iyon.
I smiled and ignore Tatay Kanor on what he said.
Nag-focused na lamang ako no'n sa pagtatanim kesa sa makipagasaran sa ibang mga manggagawa.
I heard Pea chuckled. Kumunot ang noo ko saka inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng lupain ng mga prutas at gulay. Hinahanap kunyare kung sino ang tumawa. Pagkatapos pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Nagkunyare pa siyang parang hindi siya ang tumawa. Napangiti ako. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako o ang mainis dahil pinagtatawanan niya ako. Pero sa huli, natagpuan ko narin ang sarili kong ngumingiti habang nakatitig sa nakangiting mukha ni Pea.
She always make me smile in every single things.
"Sunshine, ginagawa mo na naman akong kakatawanan," reklamo ko habang patuloy sa pagtanim ng mga buto ng kalabasa.
Yumuko siya saka ipinagtuloy narin ang pagtatanim ng kalabasa sa tabi ko. "Wala lang, natatawa lang kasi ako sa sinabi ni Tatay."
Pinaningkitan ko ito ng aking mga mata. "Really, huh?"
Agad naman siyang tumango-tango. Kumibit na lamang ako ng balikat. Saka napaisip ako ng kalokohang gagawin ngayong araw. Hindi ko alam pero bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang ipasyal ko siya buong hacienda.
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo saka pinagpagan ang aking sarili. "Sunshine, nakalibot ka na ba dito sa buong hacienda Monteneille?"
Kunot noo siyang tinapunan ako ng tingin.
"Hindi pa, MM, bawal kayang maglibot sa buong hacienda. Iyon ang mahigpit na bilin sa akin ni Tatay, lalo na't wala akong kasama."
Napatango-tango ako. "I see, you wanna to take a break with me? Pahinga muna tayo, ipapasyal kita kahit sandali lang."
Nakita ko kung paano kumislap ang kaniyang mga mata nang marinig ang sinabi ko.
"Talaga MM? Saan tayo pupunta?"
Ngumisi ako saka ko ginulo ang buhok niya.
"Sa kastilyo nating dalawa. Let me be your King today, sunshine. And be my queen," litanya ko na siyang ikinangiti niya nang malapad.
"Oo naman, MM! Tara na!"
Napatawa na lamang ako nang maluting habang sinususndan siya ng tingin nang tumakbo na siya papalayo.
ISINAKAY KO SI Pea sa kabayo na nakuha ko sa kwadra ng anihan. Ramdam kong nanginginig siya habang nakaupo sa itaas.
Mataas pa ang araw sa kanluran. May ilang oras pa kaming natitira para maipasyal ko siya sa kabuoan ng hacienda. Sumakay narin ako sa likuran ng kabayo. Ang kinalabasan nasa likuran lang ako ni Pea.
"MM, kinakabahan ako. P-paano kung mahulog tayo rito?"
Napangiti ako, "huwag kang matakot, sunshine. Magtiwala ka sa akin, poprotektahan kita."
Hinigpitan ko na ang kapit sa lubid ni Airblaze— ang pangalan ng kabayong sinasakyan namin. Saka ito hinila, "heya!"
"Ahhhh!"
Napatawa ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Pea. Hindi ko aakalain na first time nga niya ang sumakay ng kabayo. Mabuti na lamang ako at naturuan noon dito ni Dad.
"Just trust me, sunshine. Hindi kita ihuhulog. Kung sakali man na mahulog ka, willing naman kitang saluhin."
Dahil sa kasiyahang nadarama ko. Kung ano-ano na ang mga kacornyhan ang nasasabi ko. Pero totoo 'yon. Kung sakali mang mahulog si Pea. Sasaluhin ko siya, ikakasaya ko pa.
Siga nang sigaw si Pea at ang lapad ng kaniyang ngiti habang nakamasid sa kapaligiran ng hacienda. Ang kalapadan nito at ang kapatagan.
Dinala ko siya sa pinakatuktok ng hacienda dito sa likod ng mansyon namin. Malayo-layo sa mansyon pero likod parin siya. Ang laki ng ngiti niya habang tinatanaw ang mga kabahayan at bayan sa unahan.
"Wow..."
Inakbayan ko siya saka ginulo ang kaniyang ulo. "Nagustuhan mo ba?"
"Super, MM! Parang paraiso!"
Napangiti ako, kinuha ko ang cell phone ko sa aking bulsa saka sekreto ko siyang pinicturan.
"Picture tayo, Sunshine, okay lang ba?"
Taka itong bumaling sa akin ng tingin. "S-sige, MM."
Halos kalahating oras yata kaning nakahiga doon sa damuhan at titig na titig sa kalangitan habang pababa ang araw sa kanluran. Kitang-kita ko kung paano magningning ang mga mata ni Pea dahil sa sunset na nakita.
"Ang ganda palang panoorin ng sunset dito sa itaas, MM. Doon kasi sa ibaba, hindi halos makita...salamat."
Kinindatan ko siya saka malutong na humalakhak, "walang anoman, prinsesa ko, basta ikaw."
Tumayo siya kaya tumayo narin ako. Naging malikot ang kaniyang mga mata kaya takang-taka akomg pinagmasdan siya.
"May problema ba, sunshine?"
"Eh, kasi, MM...n-naiihi na ako..."
Agad kong ginulo ang buhok niya, "sus, 'yon lang pala, sige, ilabas mo na 'yan. Hihintayin kita dito. Mag-ingat ka sa paligid."
Tumango siya saka namula ang pisngi. Agad siyang tumakbo papasok ng gubat. Iiling-iling na lamang ako habang pinagmamasdan ang kaniyang likuran papalayo sa akin.
Halos mag-gagabi na at wala parin si Pea. Hindi parin siya bumabalik sa akin. Sinisimulan na akong kabahan at pagpawisan.
Nilapitan ko si Airblaze saka kinalas sa pagkakatali.
"Pea...nasaan ka? s**t! Kung sinamahan ko nalang siya kanina."
Binaktas ko ang daan papasok ng gubat. Rinig na rinig ko na ang malakas na t***k ng puso ko.
Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama kay Pea dahil sa akin.
"Sunshine!"
Halos huni na lamang ng mga insekto sa gubat ang naririnig ko. At ang huni ng mga ibon sa paligid.
"Sunshine! Sunshine!"
Oh, lord. Makita ko lang si Pea na ligtas. Babalik na ako ng Maynila at magpapakabait na ako.
Maging ligtas lang ang Prinsesa ko, ang sunshine ko.
...
#BBDB