Chapter 50 GULAT na gulat si Manang Helen at Mang Jose nang makita nila si Milo. Tulad ng inaasahang mga katanungan ay walang kahirap-hirap na nasagot iyon ng aking asawa. Tinanong nila MAng Jose si Milo ng mga alala na kasama niya ang mga ito noon sa probensya, noong unang araw naming pagkikita hanggang sa bumalik na muli si Milo ditto sa kanila. ang lahat na pwedeng itanong ay natanong nilang dalawa ay nasagot naman iyon ng tama ni Milo. Kaya sa huli ay napa-iyak na lang silang dalawa at mahigpit na niyakap ang aking asawa. Habang si Bony naman ay takang-taka na sa mga nangyayari. Alam ko na naguguluhan na siya sa mga oras na iyon at kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat—naming dalawa ni Milo. Hindi naman pwedeng iwan ko na lamang na puno ng katanungan ang anak ko. matalino

