Chapter 49 HANGGANG sa sinundo na ako ni Manong Jose ay hindi nawala sa isip ko iyong mga mata ng lalaki. Pero hindi ako naniniwala na siya iyon, pero iyong postura at mga mata niya ay sa kaniya talaga. O baka namamalik-mata lang ako dahil siya ang iniisip ko nitong mga nakaraang araw? Ganoon ba iyon? Posible bang magmulto sa akin ang asawa ko? napapikit ako nang mariin habang iniisip ang posibilidad. Siguro nga ay sa sobrang antok ko kanina ay kung anu-ano na nag nakikita ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang sumabay sa iyak ng langit. Maski ako ay napahikbi sa kalagitnaan ng biyahe. Napatingin sa akin si Mang Jose at alam ko na gusto niya akong tanungin pero mas pinili na lamang niya ang manahimik at hayaan akong iiyak iyong mga nararamdaman ko. alam naman niya ang kwento ng buhay namin

