Chapter 48 NAGTAGAL kami ng halos isang oras sa puntod ni Milo. Naghintay naman si Manong Jose sa amin sa kotse. Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Bony habang nagkukwento sa harapan ng lapida ni Milo. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mga mata, kung buhay lang talaga si Milo ay paniguradong spoiled ang anak namin. Kaso nga lang sadyang malupit ang tadhana at pinagkaitan ng ama ang aking anak. Huminga na lamang ako nang malalim. Naawa ako minsan kay Bony dahil alam ko na naghahanap siya ng isang kalinga ng ama. At iyon ang hindi ko sa kaniya maibibigay. Walang makapagpapalit kay Milo sa aking puso at gusto ko siya lang ang kilalanin ni Bony at wala nang iba pa. isa pa ay hindi na ako interesado sa ganoong bagay. Wala na akong interest at wala nang balak na pumasok sa isang re

