Chapter 47 NAKAMASID ako sa sikat ng araw mula sa kanluran. Papalubog na iyon kaya mistulang naging kulay kahel ang buong paligid. Napangiti ako habang nakikita ang aking anak na naglalarpo sa harden kasama ang anak ng aking kaibigan na si Kolena. Hindi ko alam na maging maganda ang buhay ko sa bawat kapiling ko ang aking anak. Sa kaniya ko naranasan ang tunay na pagmamahal ng isang ina. At hindi ko makakaya kapag mawala sa akin si Bony. Siya lamang ang tanging alaala na iniwan sa akin ni Milo, at hindi ko iyon hahayaan na mawala na lamang sa wala ang lahat. Hindi ko lang talaga maiwasan minsan ang alalahanin nag asawa ko sa mga bagay-bagay. Lalo na sa tuwing nakikita ko si Bony. Kamukhang-kamukha niya talaga kaya hindi ko maiwasang maging malungkot at the same time maging masaya min

