Chapter 37 “NAKU maraming salamat at sinamahan niyo akong tatlo sa pamimili ng mga gamit na gagamitin ko sa paggawa ng visual text para sa mga batang tuturuan ko bukas,” pasalamat sa amin ni Joana habang papasok kami sa isang café para kumain muna ng tanghalian. Kasama namin sina Marie at Erna na may kanya-kanya ring mga dala. “Naku, wala iyon Joana. Hindi ka na rin iba pa sa aming tatlo,” sabi ko rito sabay ngiti. Ngumiti rin sina Marie at Erna at sabay pa silang tumangong dalawa. “Tama si Pea, Joana. Para ka na naming kapatid, kaya walang iwanan!” pagpayag naman ni Marie sabay taas pa ng kaliwa nitong kamay na bakante. Natawa na lamang kami nang pagtinginan ito ng mga tao na nasa loob ng café. Sinuway naman agad ito ni Erna. “Be formal naman, Marie. Mukhang hindi ka profession

