Chapter 38 “HAHAHA! Talo ka na pare, ako na ang panalo!” “Litse naman kasi at ang daya mo!” “Gago, ulitin natin! Hindi ako makapapayag!” “Ako ang panalo, pre. Kita mo naman ang baraha ko!” Napamulat ako ng aking mga mata dahil sa ingay sa paligid. Nakita ko ang limang lalaki sa isang sulok ng silid na abandunado na. Ibig sabihin dinala ako sa isang hide out. Sinubukan kong kumalas mula sa pagkakatali pero hindi ko nagawa. Mas lalo lamang nasasaktan ang kamay ko. Pakiramdam ko natatanggal ang balat ko sa aking pulso sa tuwing igagalaw ko ang kamay ko. Gusto kong sumigaw pero pinapagod ko lang ang sarili ko. Dahil hindi ako makasigaw dahil sa gawa ng duck tape na nakatakip sa labi ko. Kumalampag ako sa upuang aking kinauupuan pero hindi ako makawala. Maski ang dalawa kong paa ay nak

