Chapter 27 HINDI AGAD AKO nakakilos nang humakbang siya palapit sa akin. Nakangiti siya nang maluwag. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinigit ako palapit sa kaniya para sa isang mahigpit na yakap. "Pea! I missed you!" Ngumiti ako saka napayakap na rin sa kanya. Whe I was 15 when his father decided to sent him in abroad. Para sa pag-aaral niya bilang isang abogasya. At walang duda na naka-graduate na siya ngayon at naririto ulit sa Pilipinas at bumalik sa bayan ng Batangas. Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya at sinuntok ko nang mahina ang balikat niya. "Kumusta ka na?! Na miss kita, Choco!" Natatawa siyang ginulo ang buhok ko. Agad akong napairap sa kaniya saka tinampal ang kamay niya. "Hindi na ako bata!" protesta ko na siyang ikinatawa niya. "Hanggang ngayon, ang cute

