(Luke's POV) Hindi ko alam kung nananaginip ba ako ng gising o niloloko na naman ako ng aking paningin. Si Sharina... She's in front of me right now... At siya ang isa sa magiging models ng Love Seat Sofa na ilalabas ko sa market? Napalingon ako sa katabi niyang lalaki. Ang lalaking iyon ang makakasama niya sa trabaho? At lagi niyang nakakasama sa trabaho?? Kumuyom ang kamao ko at nagtagis ang mga bagang ko. Muli akong napatitig kay Sharina na tulad ko ay parang gulat na gulat ring nakita ako. Nakatayo lang siya roon... And noticeably, she has a better posture now and I think she became sexier and more beautiful. My sweet, beautiful angel... She came back to me... Tumikhim ako para alisin ang tila bara sa lalamunan ko. Napansin ko na rin ang nagtatakang titig sa akin ng Marketing He

