AMTMB 1 : The Boss
Keziah's POV (Point Of View)
Ugh! Ang malas naman, bakit ngayon pa hindi gumana ang elevator?! As in why naman kung kailan nagma-madali ako huhuhuh. Pinapa-report ako ng boss ko sa kung ano bang ang mga schedule niya ngayong araw.
Okay lang naman sa akin mapagalitan pero I know him well--- I mean we all know him well here in our company. He's the worst guys I'm telling' you all. Sa lahat ng ayaw niya yung nala-late. Kapag pinatawag ka dapat mag ala the flash ka para lang makarating ka kaagad sa kanya kahit saang lumalop man siya ng mundo naroroon..
So while waiting for this fvcking elevator to open let me introduce my self first.
Good evening, I mean good morning everyone my name is Keziah Salvador, Keziah for short, Ziah for Shorter Z for shortest. Just kidding. Ziah talaga nickname ko at sapat na sa aking tawagin ako sa ganyang pangalan wag na maging tamad.
I've been existing for 23 years now and I'm the second eldest of a four siblings. Nasa probinsiya ang mga pamilya ko at ako lang ang inaasahan nila. Yes I'm the breadwinner of my family. Pero minsa gusto ko na lang maging bread dahil sa pagod. Joke again. But Joke half means true sometimes.
Wala kasing trabaho si mama at si papa naman ay stroke, ang pinaka panganay naming kapatid ay may asawa na at yung dalawa naman na nakakabatang kapatid ko ay nag aaral pa kaya naman ito todo kayod ang mare nyo para makaahon sa buhay.
Isa pala akong assistant secretary, yes guys ASSISTANT SECRETARY kasi iba pa yung personal secretary ng boss namin bale kapag busy si personal secretary ako muna ang proxy. Kapag may ipaparating naman ang mga empleyado ay sa akin dumadaan at sasabihin ko kay personal secretary tapos siya naman magsasabi kay boss. Gets nyo ba? Kung hindi lets proceed... :D
teka lang...
Wait masyado akong nawiwili sa pag papakilala ng sarili ko nakalimutan kong nasa bingit ng kamatayan ang trabaho ko! Anong sasabihin ko sa boss ko? Valid kaya sa kanyang irason tong nangyayari sa elevator ng kompanya niya. Hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho. Okay lang sa akin kahit pagalitan niya ako nang bonggang bongga wag lang akong masesante. I really love this work. Kahit toxic ng boss namin ang laki pa rin niya magpasahod ha.
Argh wala na talaga akong choice I need to use the stairs na lang para makapunta na ako sa kanya, kasi kung hindi pa ako kikilos patay na talaga ako. So ayun lakad takbo ang ginawa ko at ilang beses ba akong muntik muntikan na matapilok. Makalipas ang ilang minuto at sa matapos ang lakad takbong ginawa ko ay sa wakas nakarating na rin ako sa tapat ng office ng boss ko. Mister Stephen Black. Surname pa lang pang masama na talaga ugali, maitim ang aura. As in sakto sa kanya apelyido niya fit na fit.
Hindi ko alam pero bagay na bagay sa kanya ang apelyido niya. He is so heartless and always wears his black aura kahit saan siya mag punta. Sa pitong buwan ko nga bilang empleyado sa kompanyang ito never ko pa siyang nakitang ngumiti, wala kang mababakasan na emosyon o kahit ano reaksyon sa mga mata niya.
Naisip ko nga minsan baka bulag siya kaya ganun ugali niya eh. And to be honest I am hundred percent sure na hindi pa niya kilala kung sino ako at kung anong pangalan ko. At hindi rin siya mahilig tumingin o makipag eye contact sa ibang tao.May nickname nga siya sa buong kompanya eh. Mister Black aka Mr. Evil guy. Sobrang sama kasi ng ugali niya as in wala siyang awa kapag sesante ka, sesante ka na talaga wala ng second chances hind uso yu sa kanya. Kahit konting pagkakamali lang magawa mo mag hanap kana kaagad ng trabaho dahil panigurado tanggal ka na.
Ganyan kasama ugali niya...
Anyaway,
Enough in telling stories balik na ulit tayo sa kasalukuyan. Balikan na ulit natin ang mapait na katotohanan.
Pinawi ko muna ang pawis sa noo ko at hinawi hawi ko ang buhok ko at inayos ko ang sarili ko para mag mukhang presentable at maganda pa rin kahit sobrang stress na kaagad ng dinanas ko umagang umaga pa lang.
*knock knock knock*
Grabe kabog ng diddib ko habang hinihintay ko ang signal niya kung pwede na ba akong pumasok. Ilang segundo na ang lumipas pero parang walang response. Narinig kaya niya? Try ko kaya ulit kumatok.
"Come in." -Mister Evil Guy
kakatok pa sana ulit ako eh pero para akong nabuhusan ng yelo nang marinig ko ang malamig na boses niya na para bang binalot ng yelo ang buong paligid.
Hingang malalim, relax lang malalampasan ko rin to tiwala lang sa sarili. Marahan kong binuksan ang pintuan at halos kaladkarin ko na ang sarili kong mga paa para lang makapasok nang hindi nanginginig sa office niya pero wala pa ring epekto dahil kulang na lang magpatugtog ng harlem shake dahil sa pangangatog ko. Hehez joke ang OA ko na masyado.
Pero seryoso ang lakas talaga ng kaog ng dib dib ko... negative one kasi yung chance kong mag stay sa trabaho eh..
"G-good morning po sir---"
"Could you please tell me what time is it already?" polite na tanong niya pero hindi ko gusto yung aura niya. Parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa tono ng pananalita niya.Parang may mangyayaring hindi maganda. Ni hindi man lang niya ako pinagka abalahang tignan. Nakayuko lang siya habang seryosong binabasa ang mga papel na hawak niya.
Tumingin naman ako sa relo ko para tignan ang oras. May relo naman siya bakit sa akin pa siya mag tatanong. Super busy ba sya pati pag sulyap lang sa relo eh sa akin pa ipapagawa.
"sir it's already 7:0--"
"It's time for you to pack all your things and leave my company cause I don't need an employee like you! I hate employees who are wasting my precious time" cold na wika niya na may halong pagka irita sa boses niya habang sinasabi yan na hindi man lang ini-aalis ang mata sa mga papel na hawak niya.
Ito yung kinakatakutan ko, ang lakas ng pakiramdam kong sesesantehin na niya ako.
"P-pero sir wala naman po akong ginawang masama, at isa pa dalawang minuto lang naman po ako na-late dahil sa hindi gumana yung elevator, parang hindi naman po makatarungan kung tatanggalin niyo ako sa trabaho dahil lang po dun." kabado man pero hindi pwedeng manahimik lang ako no at tanggapin ang ipinataw niyang parusa dahil sa late lang ako ng dalawang minuto. Ayaw kong mawalan ng trabaho nang basta basta.
Tsaka akit nga ba ako sisisihin niya eh dapat siya sisihin dito dahil hindi niya napa maintain yung pag gana ng elevator niya... hmpf!
Muntik na akong atakehin sa puso nung tumingin siya sa akin...
For the first time in forever tumingin siya sa akin. Sa kauna unahang pagkakataon tumama ang mga mata niya sa mga mata ko pero para akong nanghina kaya ako na agad umiwas ng tingin.
"So you dare to talk back on me?! I don't care whatever your reason is. Just leave my office now, pack your things and leave my company or I'll call the security to help you to get out of here. The choice is yours, Miss." walang emosyong wika niya. I told you guys hindi pa niya ako kilala.
Tumingin ulit ako sa kung ano bang itsura niya at malamig na tingin ang ipinupukol niya sa akin. Parang dinaig niya pa si Elsa ng frozen sa ka-cold-an. Kung nakakapag pa freeze lang ng lugar ang mga mata niya baka kanina pa nabalutan ng yelo ang buong paligid at namatay na ako sa lamig.
Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang mukha niya nang matagalan, at in fairness naman parang gusto kong mag hubad sa harap niya dahil sa lahat yata ng boss ng isang kompanya siya lang yata ang hindi malaki ang tiyan at kompleto ang buhok. To be honest sobra as in kasing pogi niya si super man at siguro magkasing katawan din sila. Yummy niya mga mare.Joke. Pero guys literal na parang ilalag mo panty mo kapag nakita mo siya.
Ang lakas ng dating niya kahit palaging naka simangot ang muka...
"What are you still standing there? Get out!" napapitlag naman ako at napahinto sa pag iimagine.
"p-pero si--- ito na nga po lalabas na" agad akong lumabas nang akmang niyang iaangat ang telepono at tatawag ng guard para kaladkarin ako. Mas okay ng lumabas nang kusa kesa mapahiya pa nang bongga sa ibang ka officemates ko kapag nakita akong kinakaldkad ng guards niya.
Sobrang nakakatakot siya tumingin kanina, para syang mang lalaplap I mean para siyang asong lobo na ano mang oras eh lalapain ka. Napaka wild naman ng imagination ko...
Mag tigil Keziah, alalahanin mong tinanggal kana niya sa trabaho...
Waaaah! Paano na ako nito? Paano na ang pamilyang binubuhay ko? Paano na ako nito wala na akong trabaho? Ano na lang ibibili kong pang maintenance ng papa ko?
Grabe naman kasi, dalawang minuto lang late tanggal agad sa work. Tao pa ba yun? May nararamdaman pa ba yung awa para sa ibang tao? Arg nakaka inis talaga. Gusto kong maiyak pero wala namang magagawa pa ang luha ko kahit siguro lumuha pa ako ng dugo sa harap niya hindi niya ako ibabalik sa trabaho.
Kapag naigapos ko siguro hangin tsaka niya ang ako kakaawaang wag tanggalin sa trabaho.
Mabigat man sa loob ko eh binalot ko na nga ang mga gamit ko at malungkot na lumabas ng kompanya ng walang pusong Stephan Black na yun. Nakatingin din sa akin ang ibang empleyado at kahit hindi na nila ako tanungin ay tila alam na nila kung anong nangyari sa akin.
"Hays nabawasan na naman tayo ng empleyado" -employee 1
"Kaya nga. Kaya kung ako sayo kung gusto mo mag stay dito wag na wag mo ng pangaraping makaharap pa si Sir. Stephan dahil kapag nakita mo siya tiyak matatapos na rin ang trabaho mo dito" payo nung isa pang empleyado na na kausap nung isang babae.
"ganun ba? curious pa naman ako sa mukha niya" sagot nung isa
"tss may sumpa kapag nakaharap niyo siya, bigla bigla na lang kayo mawawalan ng traaho" pagbibiro pa nung isang empleyado.
Napauntong hininga ako sa mga pinag uusapan nila, parang totoo kasi na late lang ng pitong buwan yung akin bago ako masesante...
Binilisan ko na lang ang paglalakad ko para tuluyan na akong makalabas ng kompanya dahil nalulungkot lang ako haang pinagmamasadan yung ibang empleyado na matiwasay pa ring ginagawa ang mga traahong naka assign sa kanila. Saan na kaya ako hahanap nito ng bagong trabaho?! Ikaw na bahala sa akin Lord.
THIRD PERSON'S POV
Naka-kunot ang noo at walang emosyon ang mga mukha ni Stephan habang nag lalakad sa hallway ng kompanya niya. Siya ang presidente ng Black Company at sa murang edad ay marami na siyang narating at napatunayan hindi lang sa sarili niya kundi pati na rin sa larangan ng pag ne-negosyo.
He is the youngest Billionaire in the entire Asia, sa edad na dalawamput lima ay nakapag patayo na siya ng sarili niyang kompanya at naging matagumpay sa buhay. Hindi maikakailang isa siya sa pinakamatalino at pinakamagaling na businessman sa buong mundo. Ang kompanyang pinapatakbo niya at naman niya lamang sa yumaong ama, pabagsak na ito noon pero dahil sa angking kahusayan niya ay muli niya itong nabuhay at mas naging sucessful pa.
Nag iisa lamang siyang anak at tanging ang mommy at lolo niya na lang ang kasama niya sa buhay. Madami pa siyang kamag anak pero tanging ito lamang ang kasa-kasama niya.
Ngunit gaano man siya ka-successful sa kanyang career ay hindi naman ganun kasaya ang kanyang personal na buhay. Totoo nga sigurong life is always fair. Life is not perfect. Kahit tingin mo perpekto na ang buhay ng isang tao ay mayroon at mayroon pa rin itong kulang at hindi natin iyon malalaman unless we try to walk on their shoes.
His mother is currently suffering to a stage 3 colon cancer. At kahit saan pa man silang hospital mag punta ay hindi bumubuti ang pakiramdam nito. Malaki na rin ang nagastos nila pero mahirap talagang kalabanin ang sakit na cancer. Pero wala siyang paki alam kahit maubos pa ang pera niya basta gumaling lamang ang kanyang ina.
Dahil kahit gaano man siya ka cold hearted sa lahat ng tao ay kabaliktaran naman nito ang ipinapakita niya sa kanyang ina. He hates to disappoint his mother kaya naman lahat ng naisin nito ay pinabibigyan niya. He is a woman hater except to his mother, he only cares for his mother that explains why he acted so cold to others.
Back to the present time...
Lahat ng madaanan niyang empleyado ay biglang nahahawi na kulang na lang ay mag tago sila sa sarili nilang damit huwag lang makasalubong ang kanilang boss.
Takot silang humarang sa mga dadaanan nito dahil alam nilang mabilis mag init ang ulo niya. Mahal pa nila ang kanilag trabaho kaya hindi sila nagta tangkang humarang sa daraanan nito. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi na lang sila mag resign kung ganto naman ugali ng boss nila? Yun ay dahil mataas itong magpasahod at madami pang benepisyong nakukuha mula sa kompanya nito.
Hindi nila ito matignan nang deretso dahil nakakatakot ang itsura nito hindi dahil sa mukha siyang halimaw, sa katunayan nga eh mala artista ang mukha nito pero suplado ito at walang emosyong ang kanyang mukha kaya naman kinakatakutan nila ito. Hindi pa nila ito nakikitang ngumiti, ngumisi siguro OO pero yung totoong ngiti never pa.
"Good evening po sir" nakayukong bati ng mga empleyadong madaanan niya na walang mga choice kundi batiin ito bilang pagbibigay respeto na rin sa kanya.
Pero kahit ano mang bati nila ay wala man lang itong response sa kanila kahit sulyap o tango ay wala, ganun siya kasungit at kataas tignan.
He's totally cold and unfriendly person.
Maya maya pa ay nakarating na siya sa parking lot kung saan nakapwesto ang sasakyan niya.
Napansin niya ang isang babae na nakatayo malapit sa sasakyan niya. Napa-iling lang siya at lalagpasan na sana ito pero pinigilan siya nung babae sa pamamagitan ng paghawak nito sa braso ni Stephan.
Agad namang tinabig ni Stephan ang kamay ng babae mula sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay at tinignan niya ito nang masama.
"What hell are you doing here?" malamig na tanong nito sa babae.
"Stephan, I know you're that kind of person that's not easily to deceive but right now what will I going to tell you is all truth. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, I am pregnant and you're the father" wika ng babae na tila kinukumbinsi si Stephan na totoo ang kanyang sinsabi. Hindi pa malaki ang tiyan nito pero kung makahimas siya sa kanyang tiyan ay tila pitong buwan na itong buntis.
Napa-iling si Stephan sa kanyang narinig. At nasabi na lamang nito sa kanyang isip na sinasayang lamang ng babae ang kanyang oras. At wala siyang panahon para patulang ang mg sinasabi nito.
"Don't you dare to show your face in front of me again or else you'll regret it" seryosong pag babanta ni Stephen sa babaeng kausap niya.
"But I'm telling you the truth Stephan, I'm pregnant and you're the father, don't you remember?! We shared a lot of hot nights together" pilit na pangungumbinse ng babae sa kanya at may namumuo pang luha sa mga mata nito.
"I don't know you and I will not going to buy your lies so will you please leave me alone?!" konti na lang ay mawawalan na ng pasensya si Stephan kaya naman tinalikuran na niya ang babae at akmang sasakay na siya sa kanyang sasakyan pero yumakap sa kanya ito mula sa likod niya.
"Please Stephan believe--- aray!" hindi na nakapag timpi si Stephan marahas niyang tinanggal ang pagkakayakap ng babae sa kanya at malakas itong tinulak dahilan upang mapa upo ito at mapangiwi sa sakit.
Wala siyang paki-alam kung masaktan man ang babae dahil tanging nasa isip niya lamang ay maka alis na at maka uwi sa kanilang bahay.
"Why did you do that? Paano na lang yung bata sa sinapupunan ko? Paano kung malaglag ang bata, kaya mo ba yung palitan" mangiyak ngiyak na wika ng babae pero tanging pagka irita lamang ang nararamdaman ni Stephan sa dito.
"Do you know what I hate the most? It's the liar people who tends to fool other person. As I said earlier I will not going to buy your words because they are all lies. If you try to show up your face again in front of me I'll make sure that, that will be your last time on earth hope you understand that because I'm dead serious" mahabang wika ni Stephan at tuluyan na itong pumasok sa sasakyan niya.
Naiwang nakatulala ang babae at hindi makapaniwalang iniwan lang siya basta basta ni Stephan.
Hindi niya maiwasang mag sindi ng sigarilyo sa sobrang pagka irita niya habang minamaneho niya ang kanyang sasakyan. He knows that the girl telling lies dahil kahit kailan ay hindi pa siya nakipag s*x kung kanino. Madami ng nagtangkang mga babae na lumapit sa kanya at ipinapaako sa kaniya ang kanilang ipinag bubuntis pero walang nagtagumpay.
Sino nga ba naman ang makakapag loko sa isang Stephan Black? He is smart enough to identify what are lies and truth.
Lahat ng nagpapaako ng anak nila kay Stephan ay isinumpa na kahit kailan ay ayaw na nila itong maka usap dahil sinisigurado nitong pagsisishan nila ang kasinungalingang pinaggagawa nila.
Ikaw ba naman mabantaan at takotin ng isang Stephan Black eh?! Panigurado maiisip mong sana hindi mo na lang sinubukang gawin iyon.
Hindi lang mga babaeng nagpapa ako ng anak ang gustong i-approach siya...
Madaming gustong lumapit sa kanya, kilalanin at kaibiganin siya pero walang nagkakalakas loob na gawin ito dahil tila siya na mismo ang gumawa ng napakataas na pader para hindi siya malapitan nino man. Wala siyang pinagkakatiwalaan maliban sa kanyang ina at lolo.
And that's Stephan Black. The Boss. The Heartless Boss.