VII. Love Wins

1461 Words
SA SIMBAHAN na kilala bilang "Spiritual Home" ng mga LGBT+ dito sa Pilipinas, napuno ng mga bulaklak at lasong palamuti ang bawat dulo ng mahabang upuan ng mga bisita. Tumugtog na ang instrumental music, unang naglakad ang cute na batang babaeng flower girl na nagsaboy ng talulot ng mga rosas sa dinaanan nito. Naglakad na sa gitna ang mga magulang ng dalawang Bride kasama si Mother Mohini bilang proxy ng Nanay ni Hera. Sumunod ang mga Abay na sina Katherine at Anne on their gorgeous sleeveless pastel pink gowns na in-escort-an nina Lance at Jack na nag cross-dress ng tuxedo. Agaw pansin naman ang mala-doblekarang pinagsamang gown at suit na kasuotan ng Maid of Honor na si Wil. Pabirong sinipulan siya ni Lance, sinakyan naman ito ni Wil na ikinendeng pa lalo ang kaniyang bewang sa paglalakad dahilan kaya lalong nagtawanan ang lahat. Sumunod ang Best Man na Kuya ni Sheree at panghuli ang ring bearer. Nang nasa kani-kanilang mga pwesto na ang lahat ay tumugtog na ang intro ng The One by Kodaline kasabay nang pagkikita ng dalawang Brides na sina Hera at Sheree sa pintuan ng simbahan. Parehong hindi makapagsalita sa labis na kaba at kagalakan ang dalawa. Tanging mangiyak-ngiyak na ngiti ang naibigay nila sa isat-isa.      "Oh mga Ateng, mamaya na yung tears of joy n'yo! Ang make-up!" paalala ni Wil na umalalay at nag-ayos sa laylayan ng gown ng dalawa. Bahagya tuloy nagtawanan ang dalawang Brides, dahil duon ay humupa din ang kabang nadarama nila. Kinuha ni Hera ang kamay ni Sheree. "You look wonderful Love." sabay halik sa kamay nito.       "Thank you, napaka-ganda mo din ngayon Love." ani Sheree at nagsimula na silang maglakad patungo sa harap ng altar. *Song playing in the background,  Tell me, tell me that you want me, And I’ll be yours completely, for better or for worse. I know, we'll have our disagreements, Be fighting for no reason, I wouldn't change it for the world. . . Cause I knew The first day that I met you I was never gonna let you, Let you slip away. And I still remember feeling nervous, Trying to find the words to Get you here today… Tila dalawang Diwatang naglalakad sa gitna ang HerShe gawa ng elegante nilang puting wedding gowns. Kahit hindi ito kamahalan ay nadala naman ito ng taglay na kagandahan ng dalawang babae. Cute hair buns and Light make-up lang ang ginawa sa dalawa kaya lalong lumutang ang natural nitong kagandahan. Mas lalong nagliwanag ang awra nila ng ngumiti na sila sa lahat. Tuwang-tuwa ang magkakaibigan para kina Hera at Sheree. Mahigpit na niyakap ng mga magulang niya si Sheree, mangiyak-ngiyak ang mga ito sa saya lalo na ang Mama niya na kay tagal hinintay ang pagkakataong ito. Niyakap din ni Mother Mohini at ng Tatay niya si Hera.      "Ang ganda-ganda mo 'Nak!" wika ng Tatay niya na kay lapad ng ngiti.      "Thanks Pa. Mother Mohini, thank you din. I owe you." ani Hera dito.      "Maliit na bagay Hera." ani Mother Mohini.      “Congrats Ate." ani Jack na kinamayan si Hera. Nakatayo na ang dalawa sa harap ng altar, titig na titig sa mga mata nilang nagkikislapan sa saya.      "Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Hera at Sheree." wika ng Pari.      "Hera, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Sheree, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" tanong ng Pari.      "Definitely yes Father." sagot ni Hera na hindi matanggal ang mga mata kay Sheree.      "Ikaw Sheree, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Hera, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" tanong muli ng Pari.      "Opo Father." sagot ni Sheree na kay tamis ng ngiti sa labi.      "Ngayon, isuot n'yo na sa inyong kapareha ang singsing kalakip ang sumpaan n'yo sa isat-isa." utos ng Pari. Kinuha na ni Sheree ang singsing, inabot sakanya ni Wil ang phone niya kung saan nakasulat ang wedding vow na sinulat niya kagabi lang. Tumahimik ang tugtog at lahat ng atensyon ay nasa dalawang bride lang.      "Alam kong ang kasal ay hindi puro lang salitang 'Mahal kita' bagkus ito ay 'Mahal kita sa kabila ng ating mga pagkakaiba, hindi pagkakaintindihan at mga lubak na pagdaraanan.' Batid kong walang perpekto kaya kung may nakaambang pasakit man ay ipinapangako kong palagi ko parin hahanapin ang daan pabalik sa puso mo." sambit ni Sheree. Kinuha niya ang kamay ni Hera. "Kaya Hera Cruz, tanggapin mo ang singsing na ito, kalakip ang puso ko na simbolo ng aking wagas na pag-ibig sayo. Mula sa araw na ito, hindi mo na tatahakin ang mundo ng mag-isa, ang tahanan ko ay sa piling mo na." Hindi na napigilan ni Hera ang pagtulo ng luha niya kasabay ng pagsusuot sakanya ng singsing ni Sheree. Gustong sumabog ng puso niya sa ligaya, yakapin at halikan na agad ito kung maaari ngunit kailangan niya din munang banggitin ang panunumpa sa kapareha. Tumikhim muna siya at sininghot ang sipon na dala ng pagluha sabay dukot ng kapirasong papel sa loob ng kanyang bra, dahilan kaya nagkatawanan tuloy ang crowd.      "Sorry, vintage ang kodigo ko." ani Hera na binuklat na ang kapirasong papel at nagsimula nang magbasa.      "You love the sunset, I like the sunrise. You love the summer and I like the rain. But despite of all our differences we always work things out, because that's what love is. You don't let go of the person just because things go wrong. Love is fixing your mess together, fighting the battles together." ani Hera Sumisinghot-singhot na ang iilan sa paligid. Naiiyak sa kanilang naririnig. Marahil ang iba'y humihiling na sana may tao din na magsabi sakanila ng mga bagay na 'yon.      "7 years? Dadagdagan pa natin yan. I promise to love you faithfully, give you the best of me and keep our relationship alive and exciting." dagdag pa ni Hera.      "Naks exciting daw! Orayt!" ani Wil kaya ang pagluha ay napalitan agad ng tawanan. Kinuha na ni Hera ang kamay ni Sheree. "With this ring, I give you my heart. From this day forward, I'll be your partner for life. Wherever you go, I'll go. And may my arms be your home." Pagkasuot ng singsing kay Sheree ay nagyakap na ang dalawa.      "Kayong dalawa ay mag-asawa na. Maaari n'yo ng halikan ang isat-isa." wika ng Pari. Nag-cheer ang crowd kasabay ng matamis na pagtatagpo ng mga labi ni Hera at Sheree. Pinakamaingay si Wil na agad na niyakap ang bagong kasal. Nagpicture-an muna sila sa simbahan bago tumungo na sa reception. Sa Green Witch. Saktong-sakto lang ang laki ng Café ni Mother Mohini sa mga bisita ng HerShe. Bukod sa mabangong insenso na sinindihan nito ay nilagyan din nila ng bulaklak at mga kurtina ang Café para bumagay sa tema ng kasal, naging napaka-glamorosa tuloy itong tingnan. Hindi mo aakalain na simpleng Café lang ito ni Mother Mohini. Nasa iisang table sina Lance, Wil at Katherine. Humiwalay naman ng table ang mag-girlfriends na sina Jack at Anne. Magkatabi naman ng table ang mga magulang ng dalawang bride.      "How's the food?" tanong ni Mother Mohini sa lahat. Lahat naman ay nagsabi na masarap ito. Tumawa si Mother Mohini at sinabing plant-based ang mga pagkain. Nagulat at bumilib naman ang lahat dahil mukhang karne ang ibang mga putahe ngunit gawa pala ito sa veggie meat. Sa isang gilid ng pader ay may white backdrop na pinaheram ni Katherine. Maya-maya ay namatay ang ilang mga ilaw. Bumukas ang projector na nakatutok sa backdrop. Ipinalabas nito ang compilations ng simpleng prenup-shoot nina Hera at Sheree sa isang garden resort na sweet na sweet at very fun and sophisticated ang mga poses. Habang pinapanuod ito ng lahat ay may napansin si Lance na babae sa tapat ng café na nagmamasid sa kanila. Tila ba parang ngayon lang ito nakakita ng dalawang babaeng ikinasal. Napatayo si Lance at nilapitan ang babae.      "Hi Miss, pasok ka." paanyaya ni Lance dito. Halatang probinsyana ang babae ngunit maganda. Tila Maria Clara na kutis mocha. Napa-awang ang labi niya bago tuluyang nakapagsalita.       “Ah-eh 'wag na po nakakahiya naman, wala naman po akong kakilala diyan." wika ng babae. Inaro ni Lance ang palad niya. "Ako si Lance, ikaw?"      "Maria." sagot nito na kinamayan si Lance kahit nahihiya. Hindi na ito binitawan ni Lance at hinatak ang babae. "Oh ayan may kakilala ka na. Tara na Maria."      "Sa-sandali lang hindi naman kasi ako imbitado-"      "Inimbitahan kita." nakangiting wika ni Lance. Kahit nag-aalangan ay hindi na nagawa pang tanggihan ni Maria ang imbitasyong iyon ni Lance. Ito ang unang beses na Gay Reception na napuntahan ni Maria kaya napatanga talaga siya kanina sa sobrang kuryosidad ng mapanuod ang dalawang babae sa prenup-video na nagki-kiss. Pero ng magtama ang mga mata nila ni Lance ay lalo siyang naguluhan sa kakaibang naramdaman. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD